Giselle Sanchez nag-explain kung bakit tinanggap ang ‘controversial role’ sa ‘Maid in Malacañang’
USAP-USAPAN ngayon ang actress-comedienne na si Giselle Sanchez dahil sa kanyang naging pagganap bilang si Cory Aquino sa pelikulang “Maid in Malacañang”.
Lumabas na nitong Lunes, Agosto 1 ang bagong trailer ng pelikula kaya naman marami sa mga netizens ang naimbyerna at binatikos ang aktres dahil sakto pa sa paggunita ng death anniversary ng dating Pangulong Cory Aquino ang pagpapakita nito sa madlang pipol.
Ipinaliwanag naman ni Giselle ang kanyang panig sa kung bakit siya pumayag sa role at tuluyang tanggapin ang offer ni Darryl Yap.
“For legal purposes, I will not mention any name but will refer to my role as ‘her character’ as I do play one of the characters of a movie.
“First and foremost, the question that people will raise is why did I accept ‘her character”. I have always wanted to do a project with Direk Darryl Yap as I am a big fan of his works as a writer and director starting from ‘Jowable’ to ‘Gluta’ to ‘Revirginized’ that starred my idol Sharon Cuneta,” umpisa ni Giselle.
Aniya, isa si Darryl Yap sa mga “most brilliant director” ngayong panahon at nabanggit rin niya na gusto raw nito ng “intelligent and educated lady” para gampanan ang role ng ina nina Kris Aquino.
“And that was the selling piece – Direk Darryl Yap plus the requirements to play ‘her character’,” pag-amin ni Giselle.
Aware rin siya na sa oras na tanggapin niya ang offer sa kanya ay makatatanggap siya ng mga batikos gaya ng mga co-stars niya na parte rin ng pelikula.
View this post on Instagram
Amin pa niya, nang matanggap ang script ay kinabahan siya matapos niyang mabasa ang isa sa kanyang linya.
“My heart started pounding when I saw the line, ‘Get them out of the Philippines’. In my mind, this was something I did not know, I haven’t read, this was something new,” pagbabahagi ni Giselle.
Dagdag pa niya, ang anumang bagay na bago ay makatatanggap ng dalawang reaksyon, isang positibo at isang negatibo.
“I had to physically prepare myself. I was one hundred percent sure I will be bashed for performing ‘her character’. As an actress , will this be worth it?” tanong ni Giselle sa sarili.
Kaya naman bago niya tanggapin ang role at kinailangan muna raw niyang itanong sa creative producer ng “Maid in Malacañang” kung may katotohanan ang nakasulat sa script.
“So I personally texted Senator Imee Marcos and she texted back in Filipino, ‘Yun daw ang sabi ng mga Kano’.”
At matapos ngang mabasa ang sinabi ni Sen. Imee ay na-realize ni Giselle na iba ito sa lga nababasa raw niya noon ag mga napapanood noong 80s at 90s. Ang mga ito raw ay “other camp’s side of the story” dahil sila raw ang nakaupo sa administrasyon.
Sana raw ay bigyan ng tsansa ang pamilya Marcos na sabihin naman ang kanilang bersyon ng istorya sa paraang alam nila.
“Now that the coin has flipped, let’s give a chance for the Marcoses to tell their side of the story, the way they know it. Isn’t it just fair for us to look at both sides of the coin before we cast our judgements?”
Nilinaw rin niya ang pelikulang “Maid in Malacañang” ay hindi isang bio-pic kundi “story of a family”.
Sa huli ng kanyang pahayag ay kinowt niya ang sinabi ni Imee Marcos noong kanilang presscon.
“To close this article I would like to quote Senator Imee Marcos during the presscon ‘Art should disturb, it should confuse, it should provoke, it should should seduce and it should agitate. Ang sinasabi lagi kapag nagtutunggali, Mag-usap kayo. Balikan ninyo at pag-usapan natin ang pinag simulan’.
“Hindi lamang ito isang pelikula, it is a beginning of a national conversation that hopefully will bring us to genuine unity,” hirit pa ni Giselle.
Related Chika:
Giselle Sanchez kasali sa ‘Maid in Malacanang, nakiusap sa netizens: Wala pong personalan, trabaho lang po
Janno Gibbs nag-walkout matapos mapikon sa mga joke ni Giselle Sanchez sa presscon?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.