Janno Gibbs nag-walkout matapos mapikon sa mga joke ni Giselle Sanchez sa presscon? | Bandera

Janno Gibbs nag-walkout matapos mapikon sa mga joke ni Giselle Sanchez sa presscon?

Ervin Santiago |December 29,2021
facebook
share this

Janno Gibbs nag-walkout matapos mapikon sa mga joke ni Giselle Sanchez sa presscon?

Ervin Santiago - December 29, 2021 - 07:28 AM

Giselle Sanchez at Janno Gibbs

NAPIKON nga ba si Janno Gibbs sa mga biro ni Giselle Sanchez kaya “nag-walkout” sa virtual mediacon ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2 ( Aussie! Aussie: O Sige!)”? 

Kahapon, humarap muli sa ilang members ng entertainment media ang cast members ng part 2 ng blockbuster sexy-comedy film ng Viva Films na pinagbibidahan nga nina Janno, Andrew E at Dennis Padilla.

Ang komedyanang si Giselle Sanchez nga ang naging host at moderator sa presscon na nagpaalala pa sa mga reporter at writer na iwasang magtanong ng mga offensive, sensitive at personal questions.

Pero ang ending, mukhang si Giselle pa ang naging dahilan ng biglang pag-alis ni Janno sa virtual mediacon dahil nga hindi na ito bumalik matapos biruin ng komedyana.

Sa isang bahagi kasi ng presscon, tinanong ang female cast na sina Rose Van Ginkel, Ali Forbes at ang mag-sister na sina Angela Morena at Stephanie Raz kung sino kina Janno, Andrew at Dennis ang type nilang jowain o totropahin. Iba-iba ang kanilang naging sagot. 

Pagkatapos nito, humirit naman si Janno, aniya, “Giselle, ikaw naman ang tanungin namin, bibigyan kita (ng choices), one-night stand, boyfriend o pakakasalan?”

Tumiling sagot ng TV host-comedienne, “My gosh! Ano ba ‘yan? Papatayin ako ng mga asawa n’yo. Mga barkada ko yung mga asawa n’yo, e! Ha-hahaha!”

Sabi naman ni Janno, “Sabi mo kanina, hypothetical lang.” Na sinagot uli ni Giselle ng, “Wala! Ha-hahaha!”

Sumingit naman si Dennis, “Isa lang, sino ang gusto mong i-one-night stand sa aming tatlo?”

Sey ni Giselle na tawa pa rin nang tawa, “Sa inyong tatlo, wala talaga.” Sabi sa kanya ni Janno, “Teka muna, pakakasalan muna.”

“Kung pakakasalan, based on your histories, siyempre kay Andrew E., kasi tingnan mo naman, sila pa rin ni Mylene (misis ng rapper-comedian). Talagang Mylene forever.”

Sumunod na tanong uli Janno  “E, boyfriend?” Sey ni Giselle, “Siguro si Dennis kasi matagal ko nang kilala si Dennis.”

Hirit uli ng asawa ni Bing Loyzaga, “So, ako na yung naiwan, ako na yung one-night stand.”

“Yung one-night stand, I cannot stand you,” natawa uling sabi ng komedyana. “Baka sipain ako ni Bing. Malakas sumipa itong si Bing Loyzaga. I know from history. Ha-hahaha! May sinipa na ‘yan sa recording studio. Ha-hahaha!”

Singit naman ni Dennis, “Si Giselle, nanira pa ito?” Na sinagot niya ng, “Hindi ako nanira. Sinabi ko lang na malakas siyang sumipa kaya ayokong mag-stand in between.”

“Sino ba ‘yon? Sino ‘yon? Sino ‘yon?” ang pang-uurirat ng tatay ni Julia Barretto.

Tugon ni Giselle, “Ayoko nga!  Matagal na yun. Past is past. Ano, Janno, ninerbiyos ka? Ninerbiyos ka, Janno?”

Habang nagsasalita ang aktres ay biglang nagbago ang itsura ni Janno na parang hindi nagustustuhan ang joke ni Giselle. Kasunod nito, may pinindot ang veteran comedian sa kanyang screen at tuluyan na nga siyang nawala sa zoomcon.

Kaya naman biglang nagulat si Giselle, “Hala, Janno left the….joke lang, Janno. Hoy, Janno, bumalik ka. Nag-leave talaga siya? Janno, balik! Janno, balik!

“Nag-leave talaga si Janno? Nagdyo-joke lang ako. Hala, lagot tayo, patay tayo. Teka, tatawagan ko lang si Janno,” ang dire-diretsong sabi ni Giselle.

Hanggang sa matapos ang online presscon ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo: Aussie! Aussie!” ay hindi na uli nagpakita si Janno sa press people.

Nagsabi pa si Giselle sa kalagitnaan ng event na nagkaroon daw ng “technical difficulties” kaya hindi na nakabalik si Janno sa presscon. 

Samantala, mapapanood na sa umaaribang Vivamax ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo: Aussie! Aussie!” simula sa Dec. 31, 2021 kaya ito ang huli at unang pasabog ng Viva Entertainment sa pagtatapos ng taon at pagsisimula ng 2022! Ito’y sa direksyon ng veteran actor na si Al Tanyay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Pakiusap ni Giselle kay Paolo: Please don’t throw this family away…

Andrew E, 3 dekada na sa showbiz pero walang nakaaway: Hindi n’yo kayang ubusin ang pasensya ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending