Anak ng kobrador ng jueteng magna cum laude nang magtapos sa college: Hindi ko ikinahihiya ang nanay ko | Bandera

Anak ng kobrador ng jueteng magna cum laude nang magtapos sa college: Hindi ko ikinahihiya ang nanay ko

Ervin Santiago - August 02, 2022 - 11:33 AM

Michael Cabanday Cariaga

IBINANDERA ng isang bagong graduate na estudyante na isang kubrador ng jueteng ang kanyang pinakamamahal na ina.

Proud na proud na ibinalita ni Michael Cabanday Cariaga na naka-graduate na siya ng college ngayong taon dahil sa pagmamahal at pagsasakripisyo ng kanyang nanay na isang single parent.

At hindi raw niya ikinahihiya na nagpapataya sa jueteng ang ina dahil isa ito sa bumuhay sa kanilang pamilya.

Nagtapos ang estudyanteng taga-Meycauayan, Bulacan, ng Bachelor of Secondary Education, Specialized in Filipino Language and Literature sa Arellano University bilang magna cum laude.

Narito ang Facebook post ni Michael nitong nagdaang July 18, “Yes, you heard it right.

“And I am wholeheartedly proud to declare in front of so many people that I am the son of a single mother whose occupation is a small town lottery agent—or in our most common language—paghu-jueteng.

“Ikinahihiya ng iba, ngunit ipinagmamalaki ko!” aniya pa.

Kuwento pa ni Michael, talagang pang-“Maalaala Mo Kaya” raw ang kanilang buhay.

“Tunay na mapanghamon ang buhay, dahil mula pagkabata, lagi na lamang pang-Maalaala Mo Kaya ang nararanasan namin.

“Nandiyan ang ipinagtabuyan kami ng sarili kong tatay, palayasin sa tinitirahan at magpalipat-lipat ng bahay, araw-araw na manghingi ng ulam sa mga karinderya,” sabi pa ng binata.

Kuwento pa niya tungkol sa inang kubrador, “Nahuli na ngang minsan ang mama ko at dinala sa kulangan dahil sa jueteng.”

“Higit sa lahat, ang pananaw ng marami na dahil paghu-jueteng lamang ang ikinabubuhay ng mama ko ay walang makatatapos ng kolehiyo sa aming tatlong magkakapatid,” dagdag pa niya.

Nangyari nga raw ito sa dalawa niyang kapatid na sa murang edad ay kinailangan nang sumabak sa trabaho.

“Ngunit hindi ko ito hinayaan na magpatuloy sa akin. Kahit na alam kong mahirap, buong lakas-loob kong ipinaglaban ang pangarap ko,” sabi pa niya.

Taong 2018, nagtungo sa Maynila si Michael para mag-college kung saan nag-apply din siya ng scholarship.

“Nakatapos ako ng kolehiyo sa isang mamahaling unibersidad nang kahit piso ay wala binayaran.

“Ang pagtatapos kong ito ay hindi lamang dahil sa pagsisikap at pagpupunyagi ko, kundi malaking bahagi nito ang napakaraming tao na ginawang instrumento ng Diyos upang maisakatuparan ko ito,” aniya pa.

At sa ending nga, nag-graduate bilang 2022 Overall TOP 1 at Class Valedictorian sa pitong campus ng unibersidad.

Ito naman ang mensahe ni Michael sa kanyang ina, “Alam kong alam mo kung gaano kita kamahal at gaano ka kahalaga sa amin.

“Sa loob ng mahabang panahon, kinaya mong mag-isa na itaguyod kami.

“Ito na, ‘Ma, unti-unti nang magbubunga ang lahat ng sakripisyo mo at nina Ate.

“Espesyal ang Mother’s day na ito sapagkat, malapit ko nang maibigay sa iyo at sa inyo ang pinakaespesyal na regalo ko—ang diploma ko sa kolehiyo.

“Malapit ko nang matupad ang mga pangarap ko sa iyo, Ma. Papunta na tayo sa exciting part!’” mensahe niya.

Sa Sept. 30 na graduation nina Michael ngunit nagtatrabahp na siya sa Arellano University-Manila Campus bilang Senior High School teacher.

Planado na rin ang pagpapatuloy niya sa kanyang master’s degree sa education habang naghahanda na sa kanyang board exam.

Para naman sa mga education students na tulad niya, “Pagbutihin at pagsikapan pa ninyo ang pag-aaral, at huwag ninyong balewalain na parang high school lang ang college.

“Totoo ang kasabihan na kusang lalapit sa iyo ang trabaho once may na-establish ka na magandang grades and achievements during your college days. At huwag mapapagod mag-aral, ha,” paalala ni Michael.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/308125/alexa-ilacad-naka-graduate-na-sa-college-still-my-greatest-achievement
https://bandera.inquirer.net/310037/lovelife-hugot-ni-barbie-imperial-ang-bilis-kong-ma-in-love-ang-dami-kong-bubog-sa-buhay
https://bandera.inquirer.net/317473/chito-super-proud-sa-pagtatapos-ni-neri-sa-college-ang-galing-lang-nagsisilbi-ka-nang-inspirasyon-ngayon-sa-mga-kababaihan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending