Kris Aquino lilipad raw pa-Singapore ayon sa source ni Cristy Fermin | Bandera

Kris Aquino lilipad raw pa-Singapore ayon sa source ni Cristy Fermin

Reggee Bonoan - July 30, 2022 - 07:56 PM

Kris Aquino lilipad raw pa-Singapore ayon sa source ni Cristy Fermin
ANONG nangyari sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa Houston, Texas USA? Pumalpak ba?

Kaya namin ito naitanong ay dahil tsika ng source ng “Showbiz Now Na” mula sa mga kababayang Pinoy sa nasabing bansa ay lilipad si Kris patungong Singapore para roon ituloy ang kanyang pagpapagamot.

Mula sa kuwento nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang YouTube channel na in-upload kahapon ay palipad ng Singapore ang mama nina Joshua at Bimby.

“Mayroon na namang bagong nagpadala sa atin ng impormante o impormasyon,” bungad ng manunulat at online host.

Bago itinuloy ang kuwento ay sinabi ni Morly na gusto nilang pasalamatan ang mga taong nagtitiwala sa kanila dahil sa kanila ibinibigay ang mga impormasyon na para lang sa “Showbiz Now Na”.

Dagdag ni ‘nay Cristy, “Yung effort po na ipinadadala ninyo sa amin, ‘yung pagtitiwala na ibinibigay ninyo sa amin sobra pa po sa sapat ‘yun maraming salamat po, mga kababayan natin.

Hirit din ni Romel na lahat ng nakararating sa kanilang impormasyon ay ibinabahagi rin nila sa kanilang subscribers para alam din nila.

“Si Kris Aquino raw po nu’ng dumating sa Houston ay diretso raw po sa Baylor St. Lukes Medical Hospital (Houston, Texas),” saad ni nanay Cristy.

Dagdag ni Morly, “yun ang sabi sa akin ng mga sources natin na nagpadala ng kuwento o impormasyon.”

Patuloy pa ni nay Cristy, “at ‘yung inilabas daw po naming address doon sa botelya nga ng gamot para sa COVID ni Josh, totoo po ‘yun. Napakalalaki raw po ng mga mansyon sa hilera na ‘yun. Kung baka dito, millionaires row.”

“Pero ate Cristy ‘yung nagkuwento niyan, iba rin sa nagkuwento sa akin kasi ang dami po talagang nagpapahatid na sources, iba-iba po ‘yung mga ikinukuwento nila. Imagine ate Cristy may panahon sila para sa atin,” sambit ni Morly.

“Nagkalat talaga ang ‘Marites’ sa buong mundo at dito lang sa SNN nila ipinadadala dahil wala naman akong napapanood na ibang vlog galing doon, eh,” say naman ng nanay ng maraming showbiz personalities.

Dagdag pa,“At ito po sa kabila ng balita na lilipat na raw po ng Singapore sa kanyang pagpapagamot si Kris Aquino, ‘yun ang pinakabago.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

“Lilipat na naman galing Texas?” tanong ni Romel.

Sagot ni nanay Cristy, “kasi raw lahat ng inaasahan doon sa hospital sa Houston hindi raw nasunod, siguro maaring may mga protocol, maaring may mga schedule, maaring in how many days matutunton dapat ang ganito o ganyan hindi raw na-meet up ‘yun.”

“Ang layo ng Houston to Singapore, ha, Asya ito,” diin ni Morly.

“E, Kris Aquino naman siya ‘te (Morly) walang malayo,” say naman ni Romel.

“Pero alam n’yo nu’ng una siyang nagpagamot sa Singapore mabilis siyang nakauwi. Alam mo naman ang Singapore, gumagaling talaga,” sambit ni nanay Cristy.

Balik-tanong ni Romel, “nakuwestiyon natin nga dati, bakit doon (Houston) pa pupunta, e, ang mga duktor niya ‘nay taga-Singapore?”

Napag-usapan din ng tatlong SNN hosts na magagaling din ang mga duktor dito sa Pilipinas kaya bakit umalis pa.

Pinasalamatan naman nina ‘nay Cristy, Romel at Morly ang mga kababayang Pinoy sa Texas para sa mga impormasyong ibinibigay nila.

Sana nga sa paglipad ni Kris patungong Singapore ay ma-trace na ang sakit niya at umayos na talaga siya, have a safe flight sa inyo nina Josh at Bimby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kris bilyones ang kailangan sa pagpapagamot; sa pagrenta pa lang ng private plane milyones na ang nagastos

Kris tuloy ang pagpapagamot sa US, 4 na buwan mawawala sa Pinas kasama ang 2 anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending