Kris tuloy ang pagpapagamot sa US, 4 na buwan mawawala sa Pinas kasama ang 2 anak | Bandera

Kris tuloy ang pagpapagamot sa US, 4 na buwan mawawala sa Pinas kasama ang 2 anak

Reggee Bonoan - February 16, 2022 - 07:55 PM

Kris Aquino

HINDI kami sinagot ng taong malapit kay Kris Aquino kung tuloy ang lipad niya patungong Amerika bukas, Peb. 17 para sa kanyang pagpapagamot.

Matatandaang ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account bago sumapit ang kaarawan niya nitong Feb. 14 ang litrato habang kinukunan siya ng blood sample.

Ito’y para malaman kung fit siyang bumiyahe at dito niya nabanggit na apat na buwan siyang mawawala sa bansa kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Hindi binanggit ni Kris kung saang bansa sila tutungo at kung kailan ang alis, pero sa radio program ni ‘Nay Cristy Fermin na “Cristy FErminute” sa Radyo5 92.3 News FM nitong Peb.15 ay inireport niyang sa Peb. 17 ang alis ng mag-iina.

Kuwento ni Nanay Cristy, may nagpadala ng mensahe sa kanyang telepono base sa pagkumpirma ni Japs Gersin, director at assistant ni ‘Nay Cristy, “Siyempre wala kaming clue kung sino ang nag-text pero ang aming source ay hindi nanununog at hindi nangunguryente.

“Ang pag-alis po ni Kris Aquino at ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby ay sa February 17 na po, ibig sabihin sa Huwebes ito at ang kanilang destinasyon ay Amerika.

“Dati po si Kris Aquino ay nagpapagamot sa Singapore sa matagal ding panahon (at) ganu’n din po isinama rin niya ang kanyang mga anak para alam niya ang nangyayari nang malapitan hindi malayuan, ganu’n din po ngayon kasama niya ang magkapatid sa Amerika naman at baka raw tumagal siya ro’n ng tatlo hanggang apat na buwan.

“Ang dalangin po namin ang pabaon po naming kay Kris Aquino sana nga po ay bumuti na ang kanyang sitwasyon matunton n asana ang ugat at dahilan kung bakit siya namamayat at nanghihina.

“Sana po pagbalik niya rito sa Pilipinas, ibang Kris Aquino na po ang makaharap, nadagdagan ang timbang alam na kung saan nagmumula ang kanyang sakit.  ‘Yun lamang po ipagpatuloy pa rin natin idalangin ang kanyang kalusugan,” sabi pa ng veteran entertainment columnist.

View this post on Instagram

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Sa kasalukuyan ay wala kaming nabasang update si Kris sa kanyang IG account tungkol sa pag-alis nila bukas papuntang US, hindi nga lang din nabanggit kung saan doon.

Anyway, abangan na lang ang ipo-post ni Kris dahil tiyak na magpo-post naman siya kapag paalis siya bukas at pagdating nila sa Amerika.

Mula sa BANDERA ay hangad naming ang agarang paggaling ni Kris Aquino.

https://bandera.inquirer.net/301031/kris-bernal-naiyak-nang-tanungin-ukol-sa-non-renewal-ng-contract-sa-gma-i-feel-like-i-was-a-failure
https://bandera.inquirer.net/288721/tambalang-isko-moreno-at-kris-aquino-sa-eleksyon-2022-posible-kaya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305493/bakit-walang-plano-sina-maris-racal-at-rico-blanco-para-sa-valentines-day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending