Bambam ng GOT7 napagkamalan bilang si Bam Aquino ng netizen: Walastik ah!
NAGULAT ang dating senador na si Bam Aquino dahil bigla na lamang siyang nag-trending sa social media nang walang kamalay-malay.
Nitong Huwebes, July 28 ay nagulat na lang ang dating senador dahil bigla na lang siyang naging kontrobersyal at agad na pinutakti mg mga bashers.
Ito ay matapos akalain ng isang netizen na ang Bambam na nasa post ng Inquirer.net ay si Bam Aquino.
Ibinahagi kasi ng Inquirer.net ang naging tweet ni Bam, isa sa mga miyembro ng miyembro ng South Korean boy group na GOT7 na naipit sa traffic habang papunta ito sa meet and greet kasama ang kanyang Filipino fans.
“Manila!! I’m on my way!! So much traffic,” saad ng GOT7 member sa kanyang tweet.
Isang netizen naman ang nag-react at sinabing “Tagal mong nanilbihan sa gobyerno di mo alam??? Walastik ah.”
Marami naman ang sumagot sa comment ng netizen at tinanong kung sino ba ang inaakala niya sa kanyang comment.
“Si Bam Aquino po ba ang yung tinutukoy mo?”reply ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, “hoy vebs hindi si Bam Aquino yan! HAHAHAHAHAHAHHA”
Agad namang kumalat sa Twitter ang screenshot ng mga comments sa post ng Inquirer.net kaya hindi kataka-takang nakarating ito sa dating senador.
“Ang kulit! Kaya pala ang daming nagtatag sa akin dito,” saad ni dating Sen. Bam.
Ang kulit! 😂 Fun fact: Ang tawag po talaga sa akin noong bata ako ay Bambam 😉 At sa QC ako na-traffic ngayong araw 😅 https://t.co/p14VYZMNJg pic.twitter.com/bTlR4KY9Eq
— Bam Aquino (@bamaquino) July 28, 2022
Dagdag pa niya, “Fun fact: Ang tawag po talaga sa akin noong bata ako ay Bambam.”
Nilinaw rin ng dating senador na hindi siya sa Manila na-traffic noong araw na iyon.
“Sa QC (Quezon City) ako na-traffic ngayong araw. Salamat sa mga nagsend nito,” sey pa ni former Sen. Bam.
Related Chika:
Karen Davila sa pagtigil ni Robin Padilla sa pag-aartista: Good move, senator!
Robin tinatraydor daw ng senador na kapartido niya, Mariel umalma: Naku, matakot kayo sa Panginoon!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.