Sanya nakapagpundar ng bahay, iba pang properties dahil sa 'First Yaya' at 'First Lady'; Derrick walang arte-arte sa paghuhubad | Bandera

Sanya nakapagpundar ng bahay, iba pang properties dahil sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’; Derrick walang arte-arte sa paghuhubad

Ervin Santiago |July 27,2022
facebook
share this

Sanya nakapagpundar ng bahay, iba pang properties dahil sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’; Derrick walang arte-arte sa paghuhubad

Ervin Santiago - July 27, 2022 - 07:39 AM

Elle Villanueva, Derrick Monasterio at Sanya Lopez

KATAS ng tagumpay ng “First Yaya” at “First Lady” ang nabiling bahay ni Sanya Lopez pati na ang iba pa niyang bagong properties.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa GMA 7 at sa lahat ng nanood at tumangkilik sa dalawang magkasunod na teleserye niya sa Kapuso network.

Kuwento ni Sanya, talagang nakapagpundar siya matapos ang tinamong success ng hit series nila ni Gabby Concepcion na “First Yaya” at sequel nitong “First Lady.”

Sey ng dalaga, nakikita na niya ngayon ang katas ng kinita niya sa mga nasabing shows na talaga namang phenomenal ang tagumpay sa telebisyon.

“Yes po, mayroon po talaga. Actually po, First Yaya dumating sa akin may bahay na ako. Pero hindi ko alam kung saan ko kukuhanin ‘yung pambayad ko nu’ng umpisa.

“Pero lahat po ng kinita ko roon sa First Yaya napunta talaga rito sa bahay. Tapos ito pong First Lady mayroon po akong biniling lupa,” pahayag ni Sanya.

Aniya, talagang pangarap na niya noon pa ang makapagpundar ng ari-arian mula sa kanyang mga pinaghirapan bilang artista. Alam daw kasi niya na hindi rin permanente ang showbiz at hindi palaging may trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


“Laging nasa isip ko lang na anuman ang mangyari dapat lahat ng mga kinikita ko, lahat ng mga nagagawa ko mayroon mapupuntahan.

“Kasi nakaka-inspire din po siya, kumbaga nakakadagdag inspirasyon na, ‘Ay, nakikita ko na ‘yung mga pinaghirapan ko.’ Totoo po ‘yun. At tsaka mas lalo kang ginaganahan,” sabi pa ng dalaga.

Samantala, inilabas na ang debut single ni Sanya under GMA Music, ang “Hot Maria Clara,” na agad na pumangatlo sa iTunes Philippines chart.

* * *

May bago na namang susubaybayan ang Kapuso viewers sa nalalapit na pagsisimula ng seryeng “Return to Paradise” sa GMA Afternoon Prime.

Tampok dito ang bagong tandem nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva. Pasok din sa cast ang beteranang aktres na si Eula Valdes.

Inaabangan na sa programa ang steamy love story nina Eden (Elle) at Red (Derrick) na nahulog ang loob sa isa’t isa habang stranded sa isla.

Pero bukod sa kanilang daring scenes, dapat ding abangan ng viewers ang kakaibang kuwento ng bagong Kapuso family drama. Ano nga ba ang magiging papel ni Amanda (Eula) sa pagmamahalan ng ating mga bida?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na sa August 1 ang “Return to Paradise”, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Derrick gustong maging katulad ni Hidilyn Diaz; super idol si Richard Gomez

Neri ibinebenta ang nabiling condo sa halagang P6.5-M: Sa playground sa tapat ng unit namin kami unang nag-meet ni Chito…

Derrick Monasterio nagetsing ang atensyon ni Ricky Martin; follower na niya sa IG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending