Elijah Canlas pinalayas ng veteran actor sa dressing room-tent: Wala naman kaming ginagawa sa kanya | Bandera

Elijah Canlas pinalayas ng veteran actor sa dressing room-tent: Wala naman kaming ginagawa sa kanya

Reggee Bonoan |July 24,2022
facebook
share this

Elijah Canlas pinalayas ng veteran actor sa dressing room-tent: Wala naman kaming ginagawa sa kanya

Reggee Bonoan - July 24, 2022 - 07:06 PM

Elijah Canlas

CURIOUS kami kung sinong veteran actor ang ayaw nang makatrabaho ni Elijah Canlas dahil pinakitaan siya ng hindi maganda sa isang project.

Natanong kasi ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz kung nakatikim na si Elijah ng pagtataray mula sa isang artista.

“Ako, sa isang eksena mayroong isang artista sa tent po, di ba lalaki at babae. Pagpunta ko do’n sa tent nakalabas ‘yung upuan ko, nakalabas ‘yung bag ko.

“Sa isip ko, ‘anong nangyari?’  Pagkapasok ko ‘yung PA (personal assistant) lapit kaagad sa akin, ‘allergic si sir sa mga tao.’

“Ha? Allergic sa tao? Buti na lang pinag-stay ako sa girl’s tent.  Pinalayas kami sa tent dahil allergic daw sa tao?

“Tapos makikita ko ‘yung mga article niya ngayon na (nagsasabing) ang kabataang artista walang respeto sa mga senior (actors). E, gusto kong sabihing, ‘ikaw ‘yun, e,'” natawang kuwento ng premyadong aktor na halatang iritable.

Dagdag pa niya, “E, ikaw ‘tong pinalayas mo kami sa tent wala naman kaming ginawa sa ‘yo!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)


Nasundan pa pala ang pagkairita ni Elijah sa beteranong aktor nang ikabit niya ang lapel niya sa dibdib ay hinampas ang kamay niya. Ang sabi raw sa kanya, “Huwag mong ginagalaw ‘yan.’

“Gusto kong sagutin na, ‘ngayon ko pa nga lang nilalagay hindi ko ginagalaw kakalagay ko pa lang.’  Hindi ko alam kung anong galit niya sa buong set na ‘yun!” kuwento ng aktor.

Sabi pa ni Eljah, “Hindi ko po makalimutan ‘yun kasi at that time parang pasuko na ako no’n, eh. Nakatulong sa pag-quit ko na (show). Hindi ko na kasi gusto ‘yung nangyayari sa akin tapos ganito pa ‘yung treatment, so wag na lang ako umarte.”

Sa latest vlog ng “Showbiz Update” nina Ogie at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na in-upload kaninang tanghali (Linggo) ay napag-usapan nila si Elijah dahil ang ganda ng movie-serye nila ni Aga Muhlach na “Suntok sa Buwan” na napapanood na ngayon sa TV5 sa direksyon ni Geo Lomuntad.

Puring-puri kasi ni Ogie si Aga na talagang super fan siya ng aktor noon pang nagsisimula sa showbiz at  talagang inaabangan niya sa bahay nila sa New York Street, Cubao, Quezon City ang aktor sa paglabas at pag-uwi.

“Talagang nakababad kami at naghihintay kay Aga, sobrang bait niya noon pa,” kuwento nito kina Mama Loi at Dyosa Pockoh.

At nabanggit nga na ang ganda ng chemistry nina Aga at Elijah bilang mag-amang boksingero sa “Suntok sa Buwan”. Grabe rin ang paghanga ng batang aktor kay Aga dahil ang bait nito sa lahat ng nasa set.

Going back to Elijah ay ibinulong pala niya kay Ogie kung sino ang beteranong aktor na pinalabas siya ng tent at kumpare pala ito ng huli.

“My God, sasabihan ko na nga lang ‘yun pag nagkita kami na hindi dapat ganu’n ang attitude sa mga batang artista.

“Nu’ng nalaman ko nga, sabi ko, ‘My God ito palang aking kumpare.’  Sasabihan ko na lang pag nagkita kami para hindi nato-traumatize (ang mga young stars).

“Yan parati ang bilin ko sa mga batang artista na huwag kayong magtataray sa mga staff kasi hindi natin alam baka mas bumongga ang posisyon niyan balang araw kaysa sa inyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Huwag kang mang-aano ng PA kasi baka pagdating ng araw maging EP (executive producer) ‘yan, tapos maging business unit head ‘yan o maging boss ‘yan.  Hindi ka nila makakalimutan,” paliwanag ni Ogie.

Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world!

Kokoy, Elijah may chance magkagustuhan in real life?

Relasyong Elijah-Miles last year pa, amin ng aktor: Nagki-keep lang po ng privacy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending