Nadine naghubo't hubad sa beach; 'Running Man PH' cast members solid na solid na ang samahan, pero... | Bandera

Nadine naghubo’t hubad sa beach; ‘Running Man PH’ cast members solid na solid na ang samahan, pero…

Ervin Santiago |July 24,2022
facebook
share this

Nadine naghubo’t hubad sa beach; ‘Running Man PH’ cast members solid na solid na ang samahan, pero…

Ervin Santiago - July 24, 2022 - 12:18 PM

Nadine Lustre at ang cast members ng ‘Running Man Philippines’

AGAW-EKSENA na naman ang actress-singer na si Nadine Lustre matapos maglabasan ang mga bago niyang litrato na halos hubo’t hubad na.

Bumaha na naman ng “apoy” sa social media dahil sa sandamakmak na likes, comments at fire emojis nang bumandera ang mga nasabing hot sexy photos ng dalaga.

Ang mga nabanggit na “nude photos” ni Nadine ay kuha ng Siargao-based photographer na si Wang Borja sa isang lugar sa isla. Ipinost niya ang mga ito sa kanyang Instagram kamakailan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


Makikita sa isang litrato si Nadine na nagpo-floating habang tinatakpan ng mga kamay ang kanyang dibdib ay sa isang black and white photo naman ay halos kita na ang hubo’t hubad niyang katawa.

Ani Wang Borja sa captiion, “Let life unfold itself.” Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nakikita sa Instagram ni Nadine ng mga kaparehong litrato.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakuha ng nude si Nadine dahil nagawa na rin niya ito sa isang photoshoot para sa album niyang “Wildest Dreams” na kinunan din sa isang beach noong 2020.

Puring-puri naman si Nadine ng mga netizens dahil sa tapang nitong magpakita ng hubad na katawan. Gandang-ganda rin sila sa mga kuha ni Wang Borja.

“I’m open to anything. Even roles that some might call daring. I’m here to challenge myself. I want to continue growing as an artist,” ang pahayag ng aktres nang matanong kung game rin siya sa mas mature and daring roles.

Sa lahat naman ng fans ni Nadine, very soon ay mapapanood n’yo na uli ang aktres sa psychological horror film na “Deleter” directed by Mikhail Red.

Kasama niya rito sina McCoy de Leon at Louise delos Reyes, mula sa Viva Films.

* * *

Hindi maikakailang naging solid ang samahan ng cast members ng pinakamalaking reality game show ng GMA na “Running Man PH” habang sila ay nasa Korea.

Bukod sa sinusulit nila ang pamamalagi sa bansa, makikita sa social media posts ng cast ang kanilang bonding tuwing may free time sila.

Sa latest Instagram post ni Glaiza de Castro, makikita ang group photo nilang lahat na may caption na, “Always a fun time with this lot!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)


Mukhang napapatibay na ng programa ang samahan ng cast members na kinabibilangan nga nina Glaiza, Mikael Daez, Buboy Villar, Ruru Madrid, Angel Guardian, Kokoy de Santos at Lexi Gonzales.

Maapektuhan kaya ang goal nila para matalo ang isa’t isa sa challenges or focused pa rin sila na patumbahin at ipakita ang galing sa “Running Man PH”?

Abangan ang iba pang updates tungkol sa “Running Man PH” sa GMA Network at social media accounts ng cast members.

https://bandera.inquirer.net/284791/jak-payag-maghubot-hubad-sa-movie-pero-si-barbie-handa-na-bang-magpaka-daring

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/314299/wala-na-kaming-paki-ni-loisa-sa-sinasabi-ng-ibang-tao-sa-amin-basta-masaya-kaming-dalawa
https://bandera.inquirer.net/313393/marian-dingdong-solid-na-solid-ang-pagsasama-anong-sikreto-sa-7-taong-relasyon-bilang-mag-asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending