Neri ibinebenta ang nabiling condo sa halagang P6.5-M: Sa playground sa tapat ng unit namin kami unang nag-meet ni Chito... | Bandera

Neri ibinebenta ang nabiling condo sa halagang P6.5-M: Sa playground sa tapat ng unit namin kami unang nag-meet ni Chito…

Ervin Santiago |July 24,2022
facebook
share this

Neri ibinebenta ang nabiling condo sa halagang P6.5-M: Sa playground sa tapat ng unit namin kami unang nag-meet ni Chito…

Ervin Santiago - July 24, 2022 - 07:20 AM

Chito Miranda at Neri Miranda

IBINEBENTA na ng aktres at matagumpay na negosyanteng si Neri Miranda ang kanyang three-bedroom property na matatagpuan sa Pasig City.

Kahit daw may sentimental value sa kanya ang nasabing condominium unit ay kailangan na niya itong ibenta dahil may bago siyang sisimulan na project na kailangan ng malaki-laking capital.

In fairness, talagang ayaw tumigil ng misis ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa pagtatayo ng mga negosyo at pagbili ng properties.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita nga ng aktres na nile-let go na niya ang pag-aaring condo sa Pasig na nabili niya noong dalaga pa siya. Nagkakahalaga na raw ito ngayon ng P6.5 million.

Ayon kay Neri, memorable para sa kanya ang ibinebentang property dahil doon sila unang nagkakilala ni Chito. Ipinost niya sa IG ang ilang bahagi ng condo para makita ng kanyang followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)


“Binebenta ko na ang condo ko sa Riverfront kase may bago akong project na gagawin. Ikot ikot lang pampuhunan 6.5M lang sya.

“Super good deal para sa 3 bedroom condo with parking pa! Sa playground sa tapat ng unit namin kami unang nagmeet ni Chito, hihi! Di ko kase binigay yung exact condo unit ko baka kase stalker ‘to at baka palaging nasa labas na ng condo ko nag-feeling agad ako.

“Sa lahat ng naghahanap ng good deal condo for sale, check my condo

-3 Bedrooms

-2 T&B

-may malawak na veranda

-may kasamang parking spot sa ilalim mismo ng unit

-may laundry cage sa roof deck

Total Area 101.5sqm

-located sa Pasig City

-super lapit sa BGC, Ortigas Area, Landers, Tiendesitas, Eastwood City

-no flooding history

-PUV available sa gate ng community

-may clubhouse, ballroom, billiards, karaoke room, gym, convenience store and water station

-may 2 swimming pool, basketball court, and badminton court

-pet friendly, may picnic area, and may 2 playground

-gated community na may 24hr security.”

Nito lang June, ibinahagi rin ni Neri na nakabili sila ni Chito ng bahay sa Baguio City na gagawin daw nilang rest house. At nauna rito, nagtayo rin sila ng Thai restaurant sa Baguio, ang Lime and Basil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman talagang mapapasigaw ka na lang ng, “Sana all!!”

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Trina Candaza iniwan na ang bahay nila ni Carlo, lumipat sa condo kasama ang anak

James Reid ibinebenta uli ang pag-aaring mansyon sa halagang P82-M

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending