Magna cum laude sa Ateneo de Davao University raket kung raket para maka-graduate; Top 10 sa 2022 board exam | Bandera

Magna cum laude sa Ateneo de Davao University raket kung raket para maka-graduate; Top 10 sa 2022 board exam

Ervin Santiago - July 24, 2022 - 07:43 AM

Elizabert Derama Lamoste

SALUDO ang libu-libong netizens sa ipinakitang kasipagan at dedikasyon ng isang Davaoeña na nag-viral sa social media kamakailan.

Ibinahagi kasi ni Elizabert Derama Lamoste ng Davao City sa madlang pipol ang mga hinarap niyang challenges bago makamit ang pinapangarap na pagtatapos sa kolehiyo.

Magna cum laude si Elizabert nang mag-graduate sa kursong Bachelor of Science in Nursing sa Ateneo de Davao University noong April 23, 2022.

Nakasama rin siya sa Top 10 ng May 2022 Nursing Licensure Examination with 87.40 percent rating.
Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Elizabert ang kanyang graduation photos. Aniya sa caption, “I would like not to brag, but to give credits to where credit’s due.”

“You might think that I was a genius of some kind but I beg to differ. As you see, the only thing any graduate would want to do after graduation was to relax.

“But in my case, I worked and did errands until I only had two weeks left and it was weeks full of anxiety, setbacks, second thoughts and self-doubts and every day it just gets worse,” mensahe pa niya.

May pagkakataon din daw na feeling niya ay napag-iwanan na siya ng mga kasama niyang kukuha rin ng board exam, “I felt behind since unlike other takers, they already had manila papers posted on the wall and had intensive notes while I, only had scribbles of notes so,to compensate, I did print out handouts but never did I read them until I had 2 weeks left.”

“2 weeks, for a human mind is unacceptably short to prepare for boards and I know well that I can not do it on my own but I know I am never alone.

“I surrendered myself before Him and I constantly prayed everyday for His guidance and humbly ask this success to be given to me. Truly, the Father is true to the promises He made to His servants and He gave me more than what I asked for.

“I can be unsure of everything but trust me when I say, nothing is impossible with Him and this journey can attest to it. It just goes to show that sometimes God will put you in a battle empty handed so that when you do get the victory, you’ll know it wasn’t you but Him (1st Cor. 15:57),” aniya pa.

Isang taxi driver ang tatay ni Elizabert at nakapag-college siya dahil sa scholarship grants. At dahil magastos nga ang medical programs, nag-work din siya nang bonggang-bongga.

“There are still other fees along the journey, like yung living expenses, medical supplies na kailangan namin if mag-hospital duty na.

“To compensate, nag-work ako sa BPO (Business Process Outsourcing) industry full time, kasi nung third year and fourth year ay online class kami dahil sa pandemic.

“I am very grateful sa BPO industry and everyone na aking na-meet like my teammates and my TL (team leader) na they really inspired me.

“Kasi sa BPO, iba-iba ang experiences ng mga tao. Mao-open talaga ang eyes mo sa reality na hindi lahat ay may same opportunity gaya ng sa iyo.

“Parang you get to reflect, and then if I were in that position, ano’ng gagawin ko?” pagbabahagi pa ni Elizabert.

Bukod sa pagbebenta ng medical supplies sa kanyang batchmates, naging bookkeeper din siya sa ilang kumpanya, “Yung little rakets, naka-help sa akin na ma-sustain ang mga needs ko all throughout my college journey.”

Aminado naman siya na may pagkakataong nakakaramdam na rin siya ng matinding stress lalo na kapag nagsabay-sabay ang assignments, projects at requirements at ang kanyang trabaho.

“Exhausted ka masyado sa lahat. Kahit gaano pa kakapoy ang ginagawa mo, kahit over exert mo na ang effort, but you’re still at the same place, wala pa ring nag-move forward.

“Iniisip ko na lang na at least may improvement sa sarili ko na mas nagiging independent ako dahil doon sa mga experiences ko. Napatunayan ko yung self worth ko at mas naging confident po ako sa sarili ko,” lahad pa ni Elizabert.

Nagpasalamat din siya sa todong suporta ng kanyang pamilya habang magre-review para sa board exam.

“Wala po talaga akong ginawa sa bahay noon. Siyempre nakaka-guilty kasi nasa room ka lang at nag-study.

“Thankful ako sa kapatid kong lalaki na siyang nagsalo sa lahat ng gawaing bahay at lahat ng utos nina Mama at Papa, kasi nagkulong po talaga ako sa kuwarto,” sey pa ni Elizabert.

Ito naman ang message niya sa lahat ng mga estudyanteng patuloy na nangangarap na makapagtapos at magkaroon ng magandang buhay, “We are one step closer when we believe we can.”

https://bandera.inquirer.net/293146/toni-binuweltahan-ng-ateneo-martial-law-museum-dahil-sa-bongbong-vlog-mas-dapat-daw-interbyuhin-ang-mga-biktima

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/284504/true-ba-talent-agency-ibinubugaw-ang-mga-baguhang-male-actor
https://bandera.inquirer.net/313476/lolit-solis-pinagsabihan-ang-manager-ni-andrea-sa-halip-na-manakot-unahin-niyang-kausapin-si-andrea-at-pangaralan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending