Jake Cuenca 'malas' daw sa babae, pero naniniwala pa rin sa love: I've never regretted loving someone | Bandera

Jake Cuenca ‘malas’ daw sa babae, pero naniniwala pa rin sa love: I’ve never regretted loving someone

Ervin Santiago |July 24,2022
facebook
share this

Jake Cuenca ‘malas’ daw sa babae, pero naniniwala pa rin sa love: I’ve never regretted loving someone

Ervin Santiago - July 24, 2022 - 07:52 AM

Kylie Verzosa at Jake Cuenca

WALANG pinagsisisihan ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca sa lahat ng mga naging relasyon niya kahit na nga nauwi ang mga ito sa hiwalayan.

Yan ang ipinagdiinan ng binata nang matanong kung may regrets ba siya sa pakikipagrelasyon niya sa kanyang mga naging ex girlfriends at kung may panghihinayang ba siyang nararamdaman.

Sa vlog ng co-star niya sa Kapamilya series na “Viral Scandal” na si Charlie Dizon, sinagot ni Jake ang mga tanong na may kinalaman sa kanyang personal life, kabilang na nga ang tungkol sa usaping pag-ibig.

Marami ang nagsasabi na mukhang walang swerte sa lovelife ang aktor pero sabi ni Jake, naniniwala siya na darating at darating ang babaeng itinadhana para sa kanya kung meron talaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“I’ve never regretted loving someone,” ang pahayag ni Jake kasabay ng pagsasabing nagpapasalamat siya sa lahat mga taong naging bahagi ng kanyang buhay dahil marami rin siyang natutunan sa mga ito.

“Siguro at this point in my life, I’m 34 and at my most mature point in my life. I wouldn’t do things differently, ganu’n talaga ako magmahal, eh.

“I give everything and in the end if it doesn’t work out or if it works out, at least you gave it your best,” lahad ng binata na ang huling nakarelasyon ay ang aktres at dating beauty queen na si Kylie Verzosa.

Dagdag pang sabi ng aktor, kahit na nauwi sa hiwayan ang lahat ng naging relasyon niya ay naniniwala pa rin siya sa love.

Nang hingan ng love advice para sa  lahat ng heartbroken, “Go to your family because your family only has your best interests at heart.

“They won’t give you advice that’s going to benefit them. They’ll only give the best advice that will benefit you,” payo pa ng aktor.

Kung may ex-girlfriend siya na gusto niyang balikan, walang binanggit na pangalan si Jake pero bukas ang isip at puso niya sa posibilidad ng reconciliation at second chance.

“Ayoko sumagot ng patapos, I’d rather say yes than no,” aniya.

Samantala, kung may isang aktres daw na nais niyang makatrabaho at makatambal sa susunod niyang project, yan ay walang iba kundi ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.

Matagal na raw silang magkaibigan ni Jodi at nagkasama na rin daw sila sa ilang programa ng ABS-CBN pero hindi pa raw sila nagtatambal sa isang pelikula o teleserye.

https://bandera.inquirer.net/315565/jake-cuenca-sa-netizen-na-nagsabing-lalaki-naman-jowain-mo-pwede-ka-naming-pagtawanan

https://bandera.inquirer.net/298480/jake-cuenca-pumayag-nang-gumanap-na-tatay-sa-serye-kinarir-ang-pagiging-politiko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/312521/jake-cuenca-walang-panahong-magpakasenti-sa-paghihiwalay-nila-ni-kylie-verzosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending