Boobs ni Heart pinagtripan ng basher, resbak ng aktres: Should I remove mine? Labo mo ‘tol!
PINAGTRIPAN at pinakialaman ng isang netizen ang boobs ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.
Sa isang Twitter post, buong tapang na nagkomento ang nasabing basher sa isang news item tungkol sa collaborative art prints na gawa ni Heart at ng Incubus frontman na si Brandon Boyd.
Maraming natuwa at nag-congratulate sa misis ni Sen. Chiz Escudero sa bago nitong project pero may ilan ding nangnega at nang-okray sa kanya.
Isa na nga riyan ang Twitter user na pinagdiskitahan ang nananahimik at walang kamalay-malay na boobs ni Heart.
Makikita kasi sa litrato ni Heart at ni Brandon Boyd na medyo na-expose ang gilid ng dibdib ng aktres kaya ang hirit ng basher, puro boobs na lang ni Heart ang nakabalandra sa social media.
“It’s all about the boobs for heart nowadays,” ang one-liner na comment ng netizen.
View this post on Instagram
Nang mabasa ito ni Heart, agad niya itong ni-repost sa kanyang socmed account at sinabing lahat naman daw ng tao, mapababae man o lalaki ay may dibdib.
“Men and women have boobs. Should I remove mine? You tell me since you are very logical labo mo tol!” banat ng Kapuso actress sa hater.
May mga fans si Heart ang nagsabi na talaga raw “golden basher” ng aktres ang nasabing netizen dahil nakita nila ang iba pang posts nito sa socmed na puro pangnenega sa Kapuso star.
May nag-advice pa nga kay Heart ng, “Just ignore the stupid people.” Na sinagot ng aktres ng, “Don’t worry I was just having fun.”
Nasa France pa rin si Heart ngayon kung saan muli siyang rumampa at nang-agaw ng eksena sa ginanap na Paris Fashion Week. As usual, viral at top trending topic na naman ang mga pasabog na photos at video niya roon.
https://bandera.inquirer.net/242839/sey-mo-chiz-boobs-ni-heart-pinagpiyestahan
https://bandera.inquirer.net/305176/heart-nagtagumpay-dahil-sa-pagiging-totoo-kikay-talaga-ako-at-may-narating-ang-pagkakikay-ko
https://bandera.inquirer.net/313081/ellen-pinatanggal-na-ang-breast-implants-dahil-sa-side-effects-hirit-ni-derek-i-miss-your-old-boobs
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.