Aktres biglang taas ng singil na talent fee, may matinding pangangailangan nga ba?
LUKANG-LUKA ang producer/director sa isang aktres na gustung-gusto niyang isama sa pelikulang gagawin niya ngayong taon dahil nag-quote ito ng napakataas na talent fee.
“Seryoso ba ‘yung binigay niyang presyo per day? May K na ba siyang mag-ganu’n?” ito ang tsika sa amin ng producer/director.
Inisip niya na baka binibiro siya since mahilig nga mang-good time ang aktres dahil magkaibigan sila kaya ginawa ni producer/director ipinakausap sa staff niya at ganu’n pa rin ang presyo.
“Presyong ayaw ba o ano?” sabi ulit sa amin.
Naloka rin ang ibang staff dahil mas mataas pa ang kinowt na talent fee kaysa sa aktres na may 22 Best Actress trophies sa iba’t ibang award giving body sa Pilipinas at sa ibang bansa at nakagawa nang mahigit sa isang dosenang pelikula na siya ang bida bukod pa sa mahigit taltong dosenang pelikula na support role siya at pawang kumita.
Samantalang ang aktres na nagmamaganda sa talent fee ay bilang sa daliri ang pelikulang siya ang bida at iba ay hindi naman kalakihan ang role, pero in fairness may awards na rin siya na galing sa dalawang award giving body sa Pilipinas.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang final decision ang producer/director kung isasama niya sa pelikula ang kaibigan niya dahil sa sobrang taas ng talent fee.
Tinanong namin ang producer/director kung ilang shooting days sila at nang sinabi sa amin ay nagulat kami dahil kung sakaling natuloy ang aktres ay ang sarap ng buhay niya dahil puwede na siyang hindi magtrabaho ng ilang buwan at puwede pa siyang mamasyal sa ibang bansa kung type niya.
Inisip na lang namin na may matindi siyang pangangailangan kaya ganu’n ang presyo niya kasi kung ibabase naman sa record niya kung kumita ang mga pinagbidahan niyang pelikula ay so-so lang naman at pati ang TV series niya ay so-so rin kaya ano baa ng puwede niyang panghawakan?
May ibang aktres na mas gusto nila ang medyo mababa ang talent fee pero kaliwa’t kanan naman ang projects nila at nakakaipon sila.
Sa panahon ng pandemya dapat magtulungan ang artista at producers para mas maraming mabigyan ng trabaho at kapag kumita, e, di another movie to make.
Related Chika:
Aktres na mahal ang talent fee mas type ng producer kesa sa female star na mababa ang TF pero super arte
Biglang-sikat na singer ayaw nang kunin ng producer: Grabe! Ang taas na ng TF niya!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.