I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |September 25,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - September 25, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Mayette ng …2182, Baguio City. September 16, 1993 ang birthday ko. Sino sa dalawang manliligaw ko ang mas ka-compatible ko? Si Mr. Bin na isinilang nuong November 30, 1990 o si Mr. Fu na isinilang nuong May 10, 1992?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 16, 1993 si Mr. Fu ang mas ka-compatible mo, dahil ang zodiac sign mong Virgo at Taurus naman si Mr. Fu ay kapwa pinaghaharian ng elementong lupa o earth, habang ang birth date mong 16 ay sadya ding tugma sa birth date na 10 ni Mr. Fu. Siya ang sagutin mo, upang malubos ang isang maligaya at panghabambuhay na relasyon.
>>>
Mula kay Ericah ng …8217, New Manila, Quezon City.  April 12, 1994 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aawa?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 12, 1994, sa taong 2015 sa edad mong 21 pataas magkaka-boyfriend ka at makapag-aasawa, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius na may matikas na pangangatawan at mataas ang porma.
>>>
Mula kay John Monico Rodriquez ng Sta. Cruz, Marinduqe.  May 17, 1990 ang birthday ko. Sino sino ang ka-compatible ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong May 17, 1990 ka-compatible mo silang isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Scorpio, Libra at kapwa mo Taurus higit lalo silang may birth date na 5, 14, 23, 7, 16, 25, 4, 16, 25, 2, 11, 20, at 29.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending