Hayden Kho naglabas ng 'resibo' para patunayang magdyowa pa rin sina Liza Soberano at Enrique Gil | Bandera

Hayden Kho naglabas ng ‘resibo’ para patunayang magdyowa pa rin sina Liza Soberano at Enrique Gil

Ervin Santiago |July 13,2022
facebook
share this

Hayden Kho naglabas ng ‘resibo’ para patunayang magdyowa pa rin sina Liza Soberano at Enrique Gil

Ervin Santiago - July 13, 2022 - 10:59 AM

Liza Soberano at Enrique Gil

NAGLABAS ng ebidensiya si Hayden Kho para patunayan na very much together pa rin ang celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kahit kasi nagsalita na si Liza na hindi totoo na naghiwalay na sila ni Enrique, patuloy pa rin ang pang-iintriga ng mga Marites sa kanilang relasyon.

Sa pamamagitan ng isang video na ipinost nga ni Hayden sa social media, muling nasilayan ng mga LizQuen supporters ang kanilang mga idolo na magkasama na matagal na nilang na-miss.

Kuha ang nasabing video sa beauty clinic na pag-aari ni Vicki Belo kung saan sabay silang nagpa-service. Kitang-kita rin ang pagho-holding hands nila sa video na ikinakilig ng LizQuen fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hayden Kho, jr MD (@dochayden)


Bumuhos naman ang kilig comments mula sa netizens at halod lahat ay nagsabing super happy sila na makita uling magkasama ang LizQuen kasabay ng pagpapasalamat kay Hayden Kho.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa video nina Liza at Enrique.

“Salamat sir hayden sa paayuda. Miss na namin sila grabe. Bait talaga ni doc. Hayden sa aming mga fans. We love you po doc.”

“Thanks Dr Hayden! Just love to see my favorite couple/actors together.”

Nauna rito, mariing pinabulaanan ni Liza ang chika na break na sila ni Enrique. Wala raw itong bahid ng katotohanan kaya sana’y matigil na ang mga tsismis about them.

Dinenay din ito ng dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz, “Hindi po hiwalay ang LizQuen. Hiwalay lamang po sila ng bansa na pinuntahan.

“Si Enrique sa Spain, sa kaniyang mga kaanak, kasama ang kaniyang mommy at kapatid at si Liza naman, kasama ang kaniyang bagong management group sa Hollywood sa pangunguna ni James Reid,” chika ni Ogie.

https://bandera.inquirer.net/314580/liza-soberano-wala-nang-kontrata-sa-abs-cbn-enrique-gil-lilipat-na-sa-gma-7

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281354/hayden-gustong-magka-baby-uli-vicki-may-nakakalokang-hirit-hihintayin-mong-mamatay-ako
https://bandera.inquirer.net/282593/vicki-belo-hayden-kho-tumulong-sa-pagbabakuna-sa-mga-taga-makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending