Barbie diretsahang inamin na mas magaling kina Julie Anne, Kyline at Gabbi | Bandera

Barbie diretsahang inamin na mas magaling kina Julie Anne, Kyline at Gabbi

Therese Arceo |July 12,2022
facebook
share this

Barbie diretsahang inamin na mas magaling kina Julie Anne, Kyline at Gabbi

Therese Arceo - July 12, 2022 - 05:41 PM

Barbie diretsahang inamin na mas magaling kina Julie Anne, Kyline at Gabbi

DIRETSAHANG sinabi ng Kapuso actress na si Barbie Forteza na mas better siya sa kapwa stars niyang sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, at Kyline Alcantara.

Sa latest vlog ni Bea Alonzo kung saan nag-guest ang Kapuso star ay tahasan niyang inamin na mas magaling siya sa kanyang fellow stars.

Sumalang kasi si Barbie sa lie detector series ni Bea kung saan sinubok ang honesty ng aktres sa bawat tanong na ibinabato sa kanya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

 

Maraming sikreto ang dalaga na talaga namang nabunyag sa naturang vlog gaya ng pagkakaroon niya ng crush kay Andre Paras, past relationship niya kay Kiko Estrada, at marami pang iba.

Pero nang tanungin naman si Barbie kung mas magaling siyang kumanta ay proud na proud na sumagot ang dalaga ng “oo”, “of course”, at “naman” nang banggitin ang tatlong Kapuso artists.

Talaga namang damang-dama ang confidence at mukhang proud na proud talaga ang aktres sa lanyang sagot dahil ayon sa lie-detector ay nagsasabi siya ng katotohanan.

Ipinaliwanag naman ni Barbie kung paano niya nasabing mas magaling siya kina Julie Anne, Gabbi, at Kyline.

Aniya, “Kasi, kapag kumakanta ako, puwedeng i-upload ng GMA sa YouTube kasi wala naman sa tono so walang copyright.”

“So magbe-benefit sila, okay lang!” dagdag pa ni Barbie.

Magkakasama ang apat na Kapuso stars sa noontime show na “All Out Sundays”.

Ilang beses na ring nag-viral ang dyowa ni Jak Roberto dahil sa mga pagkakataong kumanta ito on air.

Matatandaang noong 2013 ay talagang naging hot topic si Barbie nang awitin nito nang live ang kantang “Meron Ba?” sa “Party Pilipinas” na muling nabuhay at nag-trending noong 2017 dahil wala siya sa tono.

May video rin kung saan kasama niya sa stage ang nag-iisang Asia’s Songbird na kumakanta at tila nagpa-powertrip lang at wapakels si Barbie habang kumakanta.

Aware naman siya na sintunado siya pero basta nag-e-enjoy ay laban na laban ang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, magkakaroon ng bagong proyekto si Barbie na pinamagatang “Maria Clara at Ibarra” kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.

Related Chika:
Jak payag maghubo’t hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring?

Barbie, Jak mas naging solid pa ang relasyon, kasal na lang daw ang kulang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending