'How to Love Mr. Heartless' hindi muna ipapalabas sa Vivamax; 'A Family Affair' trending sa socmed | Bandera

‘How to Love Mr. Heartless’ hindi muna ipapalabas sa Vivamax; ‘A Family Affair’ trending sa socmed

Reggee Bonoan |June 30,2022
facebook
share this

‘How to Love Mr. Heartless’ hindi muna ipapalabas sa Vivamax; ‘A Family Affair’ trending sa socmed

Reggee Bonoan - June 30, 2022 - 02:16 PM

'How to Love Mr. Heartless' hindi muna ipapalabas sa Vivamax; 'A Family Affair' trending sa socmed

ISA kami sa nag-aabang sa Vivamax noong Hunyo 17 sa pelikulang “How to Love Mr. Heartless” nina Diego Loyzaga at Sue Ramirez na idinirek ni Jason Paul Laxamana for Viva Films.

Hindi pala muna ito maipalalabas sa nasabing platform dahil nabili ito ng Amazon at kaya pala hindi na nagkaroon ng ikalawang mediacon ay dahil nabenta na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)

“Supposedly may face-to-face presscon, e, hindi na nga natuloy,” say ng aming source.

Naalala tuloy namin ang tanong kay Sue noong virtual mediacon kung magpapa-sexy na siya ng todo kasi nga halos lahat ng ipinapalabas sa Vivamax ay pawang sexy films ay hanggang pa-sexy lang at walang ipapakitang skin.

At nang mapanood namin ang trailer ng “How to Love Mr. Heartless” ay naisip namin din noon na parang mas bagay itong mapanood sa sinehan kaysa sa Vivamax kasi wholesome ito tulad ng hugot movies na ginawa ni direk Paul tulad ng “100 Tula para kay Stella”, “A Day After Valentine”, “The Third Party”, “Between Maybes” at iba pa.

Kaya sa mga nag-aabang ng “How to Love Mr. Heartless” sa Vivamax, e, malamang pagkalipas ng anim na buwan o depende kung ma-extend.

* * *

Trending sa social media at talagang pinag-usapan online ang “A Family Affair” nitong Lunes (Hunyo 27) dahil sa mala-intriga nitong kwento at pagpapakita ng kagandahan ng Masbate.

Ipinakita nga sa pilot episode ang taunang kompetisyon ng Rodeo kung saan kilala bilang Rodeo King si Paco (Gerald Anderson) samantalang abala naman si Cherry Red (Ivana Alawi) sa paghahanda para sa pyesta sa mansyon. Mas nakilala pa ng manonood ang matapang at ma-prinsipyong karakter ni Cherry Red nang sabihan siya ng kanyang tita na ginagampanan ni Ana Abad Santos na gamitin ang kanyang alindog para makuha ang isa sa mga magkakapatid na Estrella.

Nanindigan si Cherry Red at sinabing hindi siya ganoong klaseng babae. Pinaintindi niya sa kanyang tita na dapat nilang bigyang halaga ang kanilang mga sarili. “Wala po akong presyo, pero halaga meron, lahat tayo may halaga,” saad ni Cherry Red.

Bukod dito, nabigyan din ng ideya ang mga manonood kung paano siya kinopkop ng mga Estrella at ang relasyon niya kay Dave (Sam Milby).Kaabang-abang na ang mga susunod na eksena sa pagbabalik na si Dave sa mansyon lalo pa at pursigido pa rin si Paco makuha ang pagmamahal ni Cherry Red.

Umani naman ng magagandang papuri ang palabas, ang mga artista nito, at kwento mula sa netizens kaya naman nag-trending ang #AFamilyAffair sa Twitter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Ani ni @AlarbaAngie, “Ang ganda ng location plus ang gagaling ng mga cast lalong mahasa ang acting ni Ivana dito.”

“First episode pa lang ng #AFamilyAffair naloka na ako! In all fairness nagustohan ko ang first episode, na-curious ako lalo sa pilot week.Pero isa lang masasabi ko, it’s very refreshing to see a fresh face in Ivana Alawi as she takes on her first major role. Looks promising!” saad ni @LoveMaeUmali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon naman kay @chiemarielli na nanood na ng advance episodes sa iWantTFC, “Sinasabi ko sa inyo kaabang abang bawat ep ng AFA huhu ep 3 na ako sa iwant. Di ako mapakali gusto ko na mapanood yung next hahaha pag ako di nakatulog talaga nga naman #AFamilyAffair #AFAStrippingNow”

Huwag palampasin ang gumagandang kwento ng “A Family Affair” at mauna na itong panoorin sa iWantTFC app (iOs and Android) oiwanttfc.com48 oras bago ito umere sa telebisyon. Maari rin itong subaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:20PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.

Related Chika:
Diego shookt sa tapang ni Sue, tinalakan ang mga pasaway at maiingay sa shooting

Ivana umaming may iniwang karelasyon kahit mahal na mahal pa niya: Hindi naman tama na magpaloko ako nang magpaloko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending