Ivana umaming may iniwang karelasyon kahit mahal na mahal pa niya: Hindi naman tama na magpaloko ako nang magpaloko! Bandera

Ivana umaming may iniwang karelasyon kahit mahal na mahal pa niya: Hindi naman tama na magpaloko ako nang magpaloko!

Ervin Santiago |June 08,2022
share this

Ivana umaming may iniwang karelasyon kahit mahal na mahal pa niya: Hindi naman tama na magpaloko ako nang magpaloko!

Ervin Santiago June 08, 2022 - 07:57 AM

Ivana Alawi at Gerald Anderson

NAGKAAMINAN ang mga bida sa upcoming ABS-CBN series na “A Family Affair” na sina Gerald Anderson at Ivana Alawi tungkol sa kanilang past relationships.

Ayon sa dalawang Kapamilya stars, totoong may eksena sila sa buhay kung saan kinailangan na nilang iwan ang naging karelasyon nila kahit mahal pa nila ito.

Game na game na sumabak ang “A Family Affair” stars sa “Never Have I Ever” challenge nang mag-guest sila sa “Magandang Buhay” kahapon kasama ang iba pa nilang co-stars sa serye na sina Jameson Blake at Jake Ejercito.

Ayon kay Ivana, nagdesisyon siyang iwan na ang dating karelasyon dahil sa panloloko nito sa kanya.

“Niloko niya kasi ako. So kahit mahal na mahal ko siya siyempre hindi naman tama na magpaloko ako nang magpaloko,” pahayag ng sexy star at vlogger pero tumanggi siyang pangalanan ang naturang lalaki.

Kuwento naman ni Gerald, hindi raw naging madali ang naging experience niya nang mangyari sa kanya ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


“Hindi siya madali pero minsan talaga, minsan ganu’n talaga,” sey ng boyfriend ni Julia Barretto.
Samantala, sa isang hiwalay na panayam, nabanggit ni Gerald na talagang inalalayan niya si Ivana sa mga maseselang eksena nila sa “A Family Affair”.

“I’m not sure what was going through her mind. As a woman, the scene was medyo sensitive for her. And as his co-actor, gusto mong gawing safe yung environment for her.

“Medyo exposed siya in a way na talagang mahirap talaga siya bilang isang babae. It was our job ni direk Jerome (Pobocan) na alalayan siya and make sure na feeling niya safe siya.

“Nagpatugtog ng music si Direk on her request and get on with the scene. Inalalayan ko siya para hindi ma-overexpose,” kuwento ng aktor.

Puring-puri rin ni Gerald ang pagiging “passionate and professional” ni Ivana, “I know deep down inside na talagang gustong-gusto ni Ivana yung ginagawa niya (acting). It was difficult pero kita mo na gusto niya.”

Aniya pa, talagang iniba niya ang style ng pakikipag-love scene niya kay Ivana sa kanilang serye, “Even the simple act like pagtingin sa kanya, or kung aanuhin ko yung buhok niya or hahawakan ko yung balikat niya. It should always be different from previous projects. That was the challenge kung medyo sunod-sunod yung trabaho.

“It’s something that, of course, our audience wants to sit down and watch. You want to give a new flavor to it,” sey ng binata.

Komento naman ni Direk Jerome kina Gerald at Ivanaz “They’re both professionals. Madali silang kausap. It’s a new pair-up. Makikita pa lang natin kung ano ang kaibahan nila.

“They have chemistry on screen as the characters Paco (Gerald) and Cherry Red (Ivana). Makikita niyong may pagmamahal yung dalawa characters eventually,” aniya pa.

Mapapanood na ang “A Family Affair” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC very soon.

Ivana umaming super crush si Sam, pero takot na takot sa unang araw ng taping nila para sa ‘A Family Affair’

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Ivana Alawi, Marco Gumabao magdyowa na nga ba?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending