Jake Ejercito wala pang balak magdyowa at magpakasal: OK lang ako, I’m content with Ellie | Bandera

Jake Ejercito wala pang balak magdyowa at magpakasal: OK lang ako, I’m content with Ellie

Ervin Santiago |June 23,2022
facebook
share this

Jake Ejercito wala pang balak magdyowa at magpakasal: OK lang ako, I’m content with Ellie

Ervin Santiago - June 23, 2022 - 05:18 PM

Jake Ejercito at Ellie Ejercito

WALANG kaplanu-plano sa ngayon ang Kapamilya actor na si Jake Ejercito na magkaroon ng sariling “family affair.”

Kuntento na raw ang binatang ama sa co-parenting status nila ni Andi Eigenmann sa 10-year-old daughter nilang si Ellie at mas gusto talaga niyang ma-focus ngayon sa pag-aartista.

Sa nakaraang digital mediacon ng bago niyang primetime series na “A Family Affair,” ipinagdiinan ng aktor na wala sa mga top priorities niya ngayon ang magkadyowa, lalo na ang bumuo ng sariling pamilya.

“I don’t think about it. I’m okay with where I am now. I’m content with Ellie, so not in the near future,” sabi ni Jake.

In fairness naman kay Jake, isa siya sa mga pinaka-busy na male star sa ABS-CBN dahil sunud-sunod ang mga projects niya mula nang pumirma siya ng kontrata sa network.

Imagine, pagkatapos na pagkatapos ng romcom series niyang “Marry Me, Marry You” nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ay agad siyang nabigyan ng napakagandang role sa matatapos nang “The Broken Marriage Vow” nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


And after “The Broken Marriage Vow” mapapanood na agad siya bilang isa sa mga leading man ni Ivana Alawi sa “A Family Affair.”

Sabi ni Jake, “I feel very fortunate. Kapag naman may mga dumarating na offer or project, I always take it as a challenge.

“I take it as an opportunity to better my craft and to learn from my co-actors, lalo na ngayon, kasama ko sina Sam (Milby), Gerald (Anderson), Jameson (Blake), and Ivana,” sey ng aktor.

Samantala, natanong din si Jake kung ano ang naging reaksyon ni Ellie at ng kanyang pamilya sa pagka-daring ng karakter niya sa serye bilang si Seb Estrella.

“‘Yung reaction ng mom ko lalo na sa trailer, nagulat siya. Kasi I didn’t tell her about it eh, kung paano ‘yung character ko.

“Sabi ko lang playboy, so noong nakita niya that specific scene na nasama sa trailer, nagulat din siya. But she’s excited kasi talagang kakaiba itong si Seb Estrella,” paliwanag ni Jake na ang tinutukoy ay ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa direksyon nina Jerome Pobocan at Raymund Ocampo, mapapanood na ang “A Family Affair” sa iWantTFC app sa Sabado, June 25. Sa Lunes, June 27, naman ito magsisimula sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TV5.

Jake Ejercito nagpaka-daring din sa ‘A Family Affair’: Mas kampante ako ngayon, mas nakakapaglaro na ako sa set

Jake kay Ellie: I have no choice but i-spoil siya kasi minsan lang kami magkasama

Jake Ejercito 5 taon nang walang dyowa; payag makatrabaho sina Andi at Jaclyn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending