Robin: Miss na miss ko na mga anak ko, naluluha po ako…hindi ko na naririnig ang kanilang mga hagikgik at tawa
NAGLABAS ng kanyang saloobin ang action star at bagong halal na senador na si Robin Padilla patungkol sa pagbabalanse sa buhay niya ngayon bilang ama, asawa at public servant.
Ayon sa actor-politician, inaatake talaga siya ng kalungkutan at hindi mapigilan ang maiyak kapag naiisip niya ang kanyang pamilya at ang mga araw na malayo siya sa mga anak.
Idinaan ni Binoe sa kanyang Instagram account ang tunay na nararamdaman ngayong hating-hati na ang atensiyon niya sa pagiging ama, asawa at senador.
Nag-post si Robin ng dalawang litrato sa IG kung saan makikita ang ginawang card ng anak niyang si Isabella para sa kanya nitong nagdaang Father’s Day.
Aniya sa caption, “Bismillah… Panginoong Maylikha natulog po ako yakap ko ang love letter ng anak ko @mariaisabelladepadilla. miss na miss ko mga anak ko.
“Naluluha po ako hindi ko na naririnig ang kanilang mga hagikgik at tawa…mga kaligayahang magulang lamang po nila ang kanilang mundo…bawat araw na dumadaan..napapalayo po sila sa akin.
“Napakalaking sakripisyo po ang maging lingkodbayan, mundo ko po ang kapalit para sa mundo ng nakararami.
“Change has to come sooner…me time no more; longest 3 hours sleep; no relaxation; no more streaming no more tv; missing the news and docus,” pahayag ni Binoe.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa niya, “May Allah give me more strength and good health. Lahat po ng masama sa katawan, nandito sa mundo na pinasok ko.
“Wala pong masarap dito, wala pong ilalaki ng ulo dito, napakalayo po sa mundo ng showbiz. How can it be elegant when 80 percent of your people are living in crisis battle of intentions po ito hindi po ng utak…intermarriages of Country interest, people interest, personal interest and business interest.
“It is a fight, a war within, against time…swimming against the tide or surfing on it.
“Tanging rebolusyonaryong pagbabago po ang makapagpapabago sa buhay ng mas nakararaming pilipino.
“Let us do it for our children; let us do it for our motherland; let us have the will to change the system and form of our government,” sabi pa ng senador.
Ipinagdiinan din niya na hindi imposibleng magkaroon ng gobyerno ang Pilipinas na madaling maabot ng mga mamamayang Filipino.
“Puede naman po mas bumilis ang lahat, puede po maging mas malapit ang gobyerno sa tao. PUEDE po kung pahihintulotan po ninyo aming Panginoong maylikha kung gugustohin po niyo para sa amin.
“Magtatagumpay po ang peoples initiative dahil tanging sa tao lamang po manggagaling ang rebolusyonaryong pagbabago.
“Ameen,” ang kabuuang mensahe ng aktor at senador.
https://bandera.inquirer.net/311209/robin-tinatraydor-daw-ng-senador-na-kapartido-niya-mariel-umalma-naku-matakot-kayo-sa-panginoon
https://bandera.inquirer.net/315903/robin-handa-nang-makipagdebate-sa-senado-sa-wikang-filipino-hindi-naman-amerikano-ang-mga-kaharap-ko-para-mag-english-ako
https://bandera.inquirer.net/304682/robin-sawang-sawa-na-sa-kakaendorso-ng-politiko-kaya-tumakbo-nawalan-ng-trabaho-dahil-kay-duterte
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.