Roxanne Barcelo hugot kung hugot sa pagiging wifey at mommy: Yes, madrama akong ina, ganu'n talaga! | Bandera

Roxanne Barcelo hugot kung hugot sa pagiging wifey at mommy: Yes, madrama akong ina, ganu’n talaga!

Reggee Bonoan |June 20,2022
facebook
share this

Roxanne Barcelo hugot kung hugot sa pagiging wifey at mommy: Yes, madrama akong ina, ganu’n talaga!

Reggee Bonoan - June 20, 2022 - 01:43 PM

Roxanne Barcelo, Jiggs at Baby Cinco

SA unang kaarawan ng anak ni Roxanne Barcelo sa asawang Amerikano na si Cinco ay ikalawang beses na niyang ini-reveal ang pagkakakilanlan ng kanyang hubby.

Sa kasal kasi ng aktres noong November, 2019 ay puro nakatalikod ang kuha ng mister niyang foreigner at taong 2021 ay ipinakita na niya finally ang mukha nito.

At bago magpalit ng araw kaninang hatinggabi ay nag-post si Roxanne ng family picture nilang pamilya sa isang food chain kung saan nagdiwang ng unang kaarawan ang baby nila ni Jiggs at ito rin ang nagsilbing first date nila kasabay pa ng Father’s Day celebration.

Ang caption ng aktres, “Celebrated Cinco’s 1st birthday where Jiggs and I went on our first date, McDonald’s! Brekky pa ‘yun. sausage mcmuffin, hashbrown at cocolate. pak ang aga. 2019).”

At bahagyang nagkuwento si Roxanne na nu’ng nakilala niya ang asawa niya ay naisip niyang ito na ang magiging tatay ng kanyang magiging mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)


“When I first met Jiggs, I had this thought come over me, that he would be the father of my children.  Apparently, they are right when they say ‘you know from the very beginning.’ (siyempre di ko sinabi agad sa kanya noh. hinayaan ko muna siya magsabi na ako ang the one niya. ngyawwww.. saka ko nireveal lel).

“After 3 years, here we are celebrating our son’s big One.  Wuhoooo! Love you, Cinco!!! (anak, I lab you. tadtad pisngi mo ng kizzz).

“I now have my own family in you two. Love you both with all that I am. (yes, ma-drama akong ina. ganon talaga).

“Best daddy to our little love that I could ever wish, pray, hope for. Happy Father’s Day aking mahal. (pakissssssss dadaaaaaaa).

“Special thanks to the boss ladies who made this day wonderful and possible! Amazing work of love. I literally had zero stress because you did it all queens! (mga lodi kong tunay! salamat sa pag spoil samin ng pamilya ko. huhuhu) @moniquepvictorioso @cecemariano @kidsofktg @kissthegirlevents @charissetinionp @niceprintphoto @poseandprint @lovelotscakes @barbie08_mua,” aniya pa.

Binasa namin isa-isa ang mga komento sa IG post ng aktres at lahat ay masaya para sa nabuong pamilya ni Roxanne at kaya raw pala super guwapo ni Cinco ay dahil napakaguwapo rin ng daddy nito.

Isa sa nakaka-miss kay Roxanne ay ang netizen na si @Jade MN Lmt, “So happy for you, badidap..miz ur vlogs. Happy bday to ur lil one..and happy father’s day to ur hubby..keep safe.”

Sabi ni @Rachel Ann Federio, “Kaya pla ang pogi ng baby.. gwapo din ng tatay.. plus mgandang nanay..pak na pak. Sana all.”

Bumati rin si @Alyanna Joie Francia, “Gandang family naman badidap happy fathers day kay itay in heaven.”

Say ni @Samantha Joi, “Badidap! Binabasa ko caption nito with your voice inside my head. Haha. Happy Birthday, Cinco!”

Natawa naman kami kay @Allyson Bondoc na nagsabing, “Happy Birthday Cinco. Juskooo ka Roxanne ginalingan mo naman masyado sa jowa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi rin nakalimot ang loyal supporter nitong si @Jeanie Robles, “Roxanne Barcelo badidap….. happy for you. Art angel days mo palang fan mo na ako. God bless your family.”

Baby Cinco nagsisilbing ‘charger’ ni Roxanne Barcelo; super proud sa non-showbiz hubby

Roxanne Barcelo nanganak na sa kanyang first baby: Here’s to the rest of our life!

Roxanne ipinakita na ang buong mukha ni Baby Cinco sa madlang pipol: Our son at 1 month…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending