Ion Perez nakabili ng mamahaling sasakyan; Vice Ganda ibinuking kung saan kumuha ng pera ang 'asawa' | Bandera

Ion Perez nakabili ng mamahaling sasakyan; Vice Ganda ibinuking kung saan kumuha ng pera ang ‘asawa’

Ervin Santiago |June 15,2022
facebook
share this

Ion Perez nakabili ng mamahaling sasakyan; Vice Ganda ibinuking kung saan kumuha ng pera ang ‘asawa’

Ervin Santiago - June 15, 2022 - 10:30 AM

Ion Perez at Vice Ganda

IBINANDERA ng actor-model na si Ion Perez ang nabili niyang mamahaling sasakyan na katas daw ng kanyang pagsisipag sa trabaho.

Sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube, proud na proud na ipinakita ng asawa ni Vice Ganda ang nabiling BMW na aniya’y matagal-tagal din niyang pinag-ipunan.

Ayon kay Ion, segunda mano lamang ang nasabing sasakyan pero ipinagmalaki ng “It’s Showtine” host na ang ipinambili niya rito ay katas ng kanyang pagtatrabaho sa loob ng ilang taon.

Inamin ni Ion na brand new car daw talaga ang gusto niyang bilhin pero hindi kinaya ng kanyang budget kaya naman nagdesisyon siya na second-hand na lang ang bilhin.

“May naipon ako na kaunti para sa gusto kong kotse though second hand lang siya. Gusto ko sana mag-brand new kaso hindi pa kaya ng budget,” pahayag ng mister ni Vice Ganda.

Kuwento pa ng aktor, nagustuhan niya ang sasaktan kahit na segunda mano ito dahil maganda at astig pa rin ang itsura at kalidad nito. Aniya, fresh pa rin daw ang aura ng kotse.

Biro pa nga ni Ion, nang una niyang makita ang BMW ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at talaga raw naramdaman agad niya ang spark.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Siyempre, super proud naman si Vice sa kaniyang mister dahil talagang pinag-ipunan nito ang nabiling kotse na mula nga sa mga kinita nito mula noong pumasok siya sa showbiz, kabilang na riyan ang mga nakukuha niya sa Kumu.

Nu’ng unang makita ni Vice ang bagong sasakyan ng kanyang partner ay inokray-okray pa niya ito, lalo na nang may makita siyang basahan sa loob ng kotse.

Kasunod nito, tinest drive rin nila ni Ion ang kotse at sabi nga ng TV host-comedian, mukhang naka-jackpot ang asawa sa nabili nitong bagong “laruan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makikita naman sa isa pang video ang pagpapaayos ni Ion ng nabiling kotse sa auto shop upang bigyan ito ng bago at bonggang look.

Gerald nabiktima ng Basag-Kotse Gang: Grabe ang lalakas talaga ng loob n’yo!

Kiray sinupalpal ang mga netizens na nangne-nega sa kanya

Angeline niregaluhan ng motor at kotse ang dating dyowa: OK lang naman kasi mahal ko….

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending