'Kissing photo' ni Jeric sa kapwa lalaki nilagyan ng malisya; Rabiya naglabas ng ebidensya para patunayang walang hiwalayan | Bandera

‘Kissing photo’ ni Jeric sa kapwa lalaki nilagyan ng malisya; Rabiya naglabas ng ebidensya para patunayang walang hiwalayan

Ervin Santiago |June 14,2022
facebook
share this

‘Kissing photo’ ni Jeric sa kapwa lalaki nilagyan ng malisya; Rabiya naglabas ng ebidensya para patunayang walang hiwalayan

Ervin Santiago - June 14, 2022 - 01:10 PM

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

PINAGPIPIYESTAHAN ngayon sa social media ang litrato ng Kapuso hunk na si Jeric Gonzales kung saan may kahalikan siyang isang lalaki.

Kasabay nito ang pagkalat ng tsismis na naghiwalay na naman daw ang binata at ang girlfriend nitong si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Base sa mga nakita naming mga photo sa socmed, may isa nga roon na may ka-lips-to-lips na guy si Jeric habang sa isang litrato naman ay katabi niya ang nasabing lalaki kung saan makikita ang magkapareho singsing na suot nila.

Sa mga comments na nabasa namin mula sa netizens, may mga nagsasabing si Jeric nga ang nasa mga litrato pero may mga nagkomento ring edited ang mga ito.

Ilang fans naman ni Jeric ang nagpaliwanag tungkol sa nasabing mga litrato. Hindi raw dapat bigyan ng malisya ang mga ito dahil kuha raw ang mga iyon sa ginawang indie movie ng aktor noong 2020.

Kasunod nito, nag-post naman sina Jeric at Rabiya sa kani-kanilang socmed accounts ng kanilang sweet photo together na tila nagpapahiwatig na hindi totoo ang tsismis na naghiwalay na naman sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Kaninang madaling-araw, June 14, nag-post si Rabiya sa Instagram ng GIF o graphics interchange format  kung saan makikitang hinawakan ng dalaga si Jeric sa baba at masuyo naman nitong inilapit ang mukha sa kasintahan.

Ang caption ng beauty queen at aktres sa kanyang IG post ay  “Late date night”. Ni-repost din ito ng Kapuso hunk sa kanyang IG Story.

Bukod dito, may ipinost din si Rabiya tungkol sa kantang pinakikinggan niya ngayon sa Spotify na kanya raw “go-to song”. Tinag niya rito ang boyfriend at ilang mga kaibigan.

Ang tinutukoy ni Rabiya ay ang kantang “When Scars Become Art” na may lyrics na, “’Cause I wanna love you for good. For good or for bad, when times get mad. And when we fight and I wanna love you for good. For good or for bad, when you make me mad.”

Ang feeling ng kanilang mga supporters, ito na ang sagot ng celebrity couple tungkol sa naglabasang litrato ni Jeric at sa chikang nag-break na naman sila.

Kamakailan, inamin ni Rabiya na ibang klase raw talaga siyang magmahal, as in all-out daw siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

“Ang dami kong isinakripisyo for this one. Kapag nagmahal po talaga ako all-out, and I can sacrifice on few things kung yun po ang makakapagpabuti sa akin and kay Jeric. Mahalaga sa akin yung trabaho, pero mahalaga rin sa akin si Jeric,” pahayag ng beauty queen.

https://bandera.inquirer.net/308511/jeric-nag-propose-muna-kay-rabiya-bago-nanligaw-love-story-nagsimula-sa-wish-ko-lang

https://bandera.inquirer.net/314806/rabiya-ipinaglaban-ang-pag-ibig-kay-jeric-ang-dami-kong-isinakripisyo-kapag-nagmahal-po-talaga-ako-all-out

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/314612/rabiya-mateo-malalim-ang-hugot-may-konek-kaya-sa-relasyon-nila-ni-jeric-gonzales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending