KZ Tandingan ayaw makisawsaw sa hiwalayang Moira-Jason; 30 'Top Class' students ng Cornerstone ipinakilala na | Bandera

KZ Tandingan ayaw makisawsaw sa hiwalayang Moira-Jason; 30 ‘Top Class’ students ng Cornerstone ipinakilala na

Ervin Santiago |June 13,2022
facebook
share this

KZ Tandingan ayaw makisawsaw sa hiwalayang Moira-Jason; 30 ‘Top Class’ students ng Cornerstone ipinakilala na

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 12:57 PM

Moira dela Torres, KZ Tandingan at ang 30 ‘Top Class’ students

NALUNGKOT at super nanghinayang talaga ang mga malalapit na kaibigan ni Moira dela Torre sa showbiz sa biglang paghihiwalay nila ni Jason Marvin Hernandez.

Isa na nga riyan ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan na umaming na-shock din nang malaman ang kinahinatnan ng pagsasama nina Moira at Jason bilang mag-asawa.

Nakausap namin ang Kapamilya singer-songwriter kagabi sa grand launch ng pinakabagong reality talent search na “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom” na ginanap sa Glorieta Activity Center sa Makati City.

Isa si KZ (Vocal) sa mga magiging mentor ng 30 contestants na maglalaban-laban para sa titulong ultimate Top Class P-pop Idol. Ang tatlo pang makakasama niya sa show ay sina Shanti Dope (Rap mentor) at Brian Puspos (Dance mentor).

Pagkatapos ng grand launch ng “Top Class”, nagkaroon kami ng chance na makachikahan si KZ kasama ang ilan pang members ng media at isa nga sa naitanong sa award-winning singer ay kung ano ang masasabi niya sa breakup nina Moira at Jason.

“Siyempre po sad kami, kasi both  naman sila mga kaibigan namin but…yun lang po. Huwag na po siguro natin sila pag-usapan kasi siyempre, ano naman po nila yun, e. Kumbaga, when we keep on talking about it, that doesn’t help them heal.

“But yes po, nalungkot kaming lahat sa nangyari, but let’s just give them time para makapag-isip at maka-cope yung friend ko sa mga nangyari,” pahayag ni KZ.

Nagkausap na ba sila after ng announcement ng ex-couple? “Actually po, hindi ko siya kinukulit about it, e. I just always tell her na nandito lang ako. Kukumustahin ko siya, ganyan-ganyan.

“For sure, lahat ng tao tinatanong siya about it, so I don’t think it would help her na yung mga taong nasa paligid niya ay…kutkot nang kutkot ng sugat na gusto na niyang mag-heal, di ba?

“Kung ikaw may pinagdaraanan ka, gusto mo na lang mawala muna, kasi, di ba, hindi ka na nga makapag-concentrate du’n sa personal matters, du’n sa nangyari, marami pang mga ibang tao na nakikisawsaw at nakikialam, so yun po,” lahad pa ng Kapamilya singer.

Samantala, super excited na rin si KZ sa magiging participation niya sa “Top Class” bilang mentor. Aniya, umaasa siya na marami siyang maibabahagi sa mga contestants habang dumaraan sila sa iba’t ibang challenges na ipagagawa sa kanila sa show.

Isa-isang ipinakilala sa bonggang grand launch kahapon ang 30 napiling “estudyante” na ngayon pa lang ay may kanya-kanya nang hukbo ng mga supporters base sa dami ng nanood sa nasabing event.

Dumating din sa event ang magiging host ng nasabing reality show produced by Cornerstone Entertainment na si Miss Universe 2018 Catriona Gray pati na ang mga co-host niyang sina Albie Casino at Yukii Takahashi na may kanya-kanya ring production number na inihanda para sa audience.

Humataw naman on stage ang dalawang P-pop group ng Cornerstone na VXON at G22 bilang special guests.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone)


Narito ang kumpletong listahan ng 30 “Top Class” contenders:

1. Dean Villareal, Bulacan
2. EL Mendoza, Batangas
3. Lx Reyes, Bulacan
4. Justine Castillon, Cavite
5. Kim Huat Ng, Bacolod
6. Harvey Castro, Bataan
7. Joshuel Fajardo, Kuwait
8. Gilly Guzman, Quezon City
9. Kenzo Bautista, Bulacan
10. Seb Herrera, Laguna
11. Denver Dalman, Cebu
12. Francis Lim, Caloocan
13. Trick Santos, Caloocan
14. Jascel Valencia, Manila
15. Tanner Jude, Quezon City
16. Jon Laureles, Spain
17. Clyde Garcia, Ilocos
18. Matt Cruz, Bicol
19. Timothy Tiu, Quezon City
20. Brian Zamora, Makati City
21. Jeff Cabrera, Cebu
22. Roj Concepcion, Bulacan
23. Jai Gonzales, Mandaluyong
24. Chase Peralta, Katipunan
25. Dave Bono, Tondo
26. Ash Rivera, Baguio
27. JC Dacillo, Bulacan
28. RZ Condor, Cebu
29. Niko Badayos, Bacolod
30. Gab Salvador, Batangas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom” sa June 18 sa Kumu (daily streaming) at sa TV5 (tuwing Sabado).

KZ Tandingan super lucky kay TJ Monterde, may asawa na may ‘driver’ pa: Minsan naaawa na rin ako sa kanya kasi…

Bakit ayaw pang magkaroon ng baby nina KZ Tandingan at TJ Monterde?

Moira ‘nagluluksa’ hindi lang dahil sa breakup nila ni Jason: Namatay din bestfriend ko, may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending