I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |September 23,2013
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - September 23, 2013 - 03:00 AM

Mula kay Rod ng …7331 ng Burgos, Ilocos Norte. Ako po ay kandidatong sa pagka konsehal ng barangay o kagawad sa aming lugar mananalo kaya ako sa darating na Barangay election sa October? January 1, 1979 ang birthday ko.  
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong January 1, 1979 kung ang inyong grupo ay gagamit ng kulay na dilaw, sigurado na ang magaganap – mananalo ka at hindi ka lang mananalo, isa ka pa sa mga magiging top na kagawad.
>>>
Mula kay Felly ng …4622, Sta. Cruz, Manila. September 1, 1988 ang birthday ko. Nag-aaplay po ako sa abroad bilang D.H., makaka-alis kaya ako sa taong ito ng 2013?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 1, 1988, sa panahong ito bago sumapit ang pasko, sa edad mong 25 pataas, tiyak ang magaganap – may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran sa isang bansa sa Timog-Silangan.
>>>
Mula kay Sonia ng …9461, Binangonan, Rizal. May kinakasama akong lalaiki sa ngayon pero hindi pa kami kasal siya na kaya ang makakatuluyan ko? May 12, 1989 ang birthday ko at January 15, 1982 naman siya.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong May 12, 1989 at January 15, 1982 naman ang kinakasama mo, compatible at tugma kayo, dahil ang birth date mong 12 at 15 naman siya gayon din ang zodiac sign mong Taurus at Capricorn naman siya ay sadya ngang tugma at compatible sa isat-isa. Ibig sabihin, walang duda, kayo na nga ang magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending