Eula Valdes, Rocky Salumbides naghiwalay na makalipas ang 13 taong relasyon | Bandera

Eula Valdes, Rocky Salumbides naghiwalay na makalipas ang 13 taong relasyon

Reggee Bonoan |June 07,2022
facebook
share this

Eula Valdes, Rocky Salumbides naghiwalay na makalipas ang 13 taong relasyon

Reggee Bonoan - June 07, 2022 - 06:07 PM

Rocky Salumbides at Eula Valdes

WALA talagang forever dahil pagkalipas ng 13 years and 5 months ng pagiging magkarelasyon ay hiwalay na sina Eula Valdes at Rocky Salumbides.

Inakala ng malalapit na kaibigan nina Eula at Rocky na destined sila para sa isa’t isa dahil nag-break na sila noon at nagkabalikan noong 2018 at super saya pa itong ibinalita ng aktres nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa programa nitong “TWBA.”

Plano rin ni Rocky na pakasalan na ang aktres pero dahil nga biglang may iba nang kaakbay ang aktor ay saka lang nalaman ng lahat na hiwalay na sila ni Eula.

Kinumpirma ito ng aktor sa kanyang Facebook account nitong Lunes dahil iba na ang kaakbay niya at ginawa pang profile ang larawan nila ng bago nitong karelasyon na si Pia Pilapil na anak ng aktres na si Pilar Pilapil.

Si Pia ay may apat na anak sa asawang si Gerry Gonzalo, dating modelo at atleta na kabilang noon sa Philippine Team at dahil sa aksidente ay nabulag ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by eulavaldes (@eulavaldes)


Anyway, mukhang matagal nang hiwalay sina Eula at Rocky dahil nang i-check namin ang Instagram ng aktres ay wala na kaming makitang larawan nila ng aktor at hindi na rin ito pina-follow ng aktres.

Gayun din si Rocky dahil ang profile picture rin niya sa IG ay kasama si Pia.

Sa kasalukuyan ay parehong tahimik sina Eula at Rocky para hindi na rin siguro pag-usapan at humaba pa lalo’t may iba na nga ang aktor.

Kabilang si Rocky sa cast ng “Iskandalo” series na napapanood sa Vivamax kasama sina Cindy Miranda, Jamilla Obispo, Jay Manalo, Aj Raval at marami pang iba.

Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider

Cherry Pie, Edu inamin na ang relasyon sa madlang pipol

Hiling ni Nikki Valdez, mabibiyayaan pa ng 1 anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending