President-elect Bongbong Marcos tuloy ang pagba-vlog | Bandera

President-elect Bongbong Marcos tuloy ang pagba-vlog

Therese Arceo - June 07, 2022 - 12:39 PM

President-elect Bongbong Marcos tuloy ang pagba-vlog

SINABI ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagba-vlog kahit na nakaupo na siya sa pwesto bilang pangulo ng bansa.

Sa kanyang YouTube vlog noong June 4, 2022 ay sinagot niya ang mga comments ng netizens sa kanyang mga social media posts.

Dito nga ay may isang netizen ang nagsabi na sana ay ipagpatuloy niya ang kanyang pagba-vlog kahit na maging busy na ang kanyang schedule bilang presidente ng bansa.

“Sir please continue this vlog though you become more busy with your work as our president. We need to hear from you personally what you’re doing for our country, we will be very glad to watch you in this vlog every now and then. Salamat po,” saad ng netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bongbong Marcos (@bongbongmarcos)

Ani Bongbong, pinag-uusapan raw ng kanilang team kung itutuloy pa ba nila ang akanilang pagba-vlog dahil marami na raw silang ibang ginagawa.

Pero sa huli raw ay napagtanto nila at napagdesisyunan na ipagpatuloy na lamang ang kanilang YouTube channel.

“Kailangan ko talagang ipaliwanag kung ano yung aming mga ginagawa. Ipaalam sa inyo kung ano ba sa inyong palagay ay ang tama na dapat gawin at kung ano pa at marinig ang inyong comment kung ano pa ang mga kakulangan na dapat tugunan,” sagot ni Bongbong.

Dagdag pa niya, “Ipagpapatuloy talaga namin ‘yang vlog na ito. Every so often, mayroon tayong paliwanag doon sa ating mga ginagawa para hindi lamang sa pahayagan ang inyong nagiging balita, kung hindi pati na from the horse’s mouth, ‘ika nga.”

Sa huli ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga taong nagpakita at patuloy na nagbibigay suporta sa kanya pagba-vlog.

Related Stories:
Claudine Barretto nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos, pero bakit nakaladkad sa isyu si Rico Yan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Gonzaga, Paul Soriano present sa proklamasyon ni Bongbong Marcos

Kim Chiu inulan ng bashers dahil sa tanong kay Bongbong: Bahala kayong magkagulo dyan!

Sharon binalikan ang naging relasyon sa pamilya Marcos: Si BBM hindi ko siya iniwan…he was my friend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending