Toni Gonzaga, Paul Soriano present sa proklamasyon ni Bongbong Marcos | Bandera

Toni Gonzaga, Paul Soriano present sa proklamasyon ni Bongbong Marcos

Therese Arceo - May 26, 2022 - 01:12 PM

Toni Gonzaga, Paul Soriano present sa proklamasyon ni Bongbong Marcos

DUMALO ang mag-asawang sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano sa naging proklamasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 na presidente ng bansa.

Magkasamang dumating ang mag-asawa sa Batasang Pambansa kung saan sinamahan nila ang pamilya Marcos sa kanilang holding room bago pa man ang proclamation proper sa plenary hall.

Si Toni ang isa sa mga artistang nanguna sa pangangampanya sa kandidatura ng UniTeam tandem na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio na parehas nagwagi sa nagdaang halalan.

Habang ang asawa naman nitong si Paul ang naging direktor ng campaign videos ni BBM.

May mga chika pa ngang kumalat na nagkaroon daw ng offer ang asawa ni Toni na magkaroon ng executive position sa bagong administrasyon ngunit agad naman niya itong pinabulaanan.

Aniya, willing naman daw siya na magbigay tulong “in whatever capacity” kung kinakailangan.

Samantala, ipinakilala naman ni president-elect Bongbong sa kanyang ina at dating First Lady Imelda Marcos ang inaanak na si Toni.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


“Siya ang nagpeperform… Kawawa ito, binubugbog siya [sa social media] ng mga hindi naniniwala,” saad ni BBM.

Kasabay nito ay ang pagpapakilala rin kay Direk Paul.

“Apo ni Nestor de Villa pero direktor,” pagpapakilala niya.

Dagdag pa ni Bongbong, “Lahat ng ads ko, si Paul ang gumawa.”

Matatandaang isa si Toni Gonzaga sa mga pinakabinanatan ng mga netizens sa social media matapos itong magpakita ng pagsuporta kay Bongbong Marcos na siyang ninong nila sa kasal ni Direk Paul.

Marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon lalo na nang iendorso nito si Rep. Marcoleta sa pagkasenador na siyang nanguna sa pagpapasara ng ABS-CBN, ang TV network ng singer-actress.

Nanatiling tahimik si Toni sa kabila ng kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanya at naging matibay sa desisyon nitong suportahan ang napiling kandidato.

Sa katunayan, nang matapos ang eleksyon ay doon binasag ng nakatatandaang kapatid ni Alex Gonzaga ang kanyang katahimikan.

“In the end…. Stand up for what you believe is right. Even if it means standing up…. Alone,” saad nito sa kanyang Instagram post matapos ang nangyaring eleksyon noong May 9.

Related Chika:
True ba, Paul Soriano inalok ng posisyon sa gobyerno ng kampo ni Bongbong Marcos?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Alex kay Toni pag may away sila ni Paul: Iwan mo na ‘yan, turuan mo ng leksyon!

Hugot ni Toni Gonzaga: Stand up for what you believe is right

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending