Sharon binalikan ang naging relasyon sa pamilya Marcos: Si BBM hindi ko siya iniwan…he was my friend
INALALA ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkakaibigan nila noon ng presidential candidate na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pati na ang unang pagtatagpo nila ng vice-presidential aspirant na si Sara Duterte.
Naging emosyonal ang veteran singer-actress at TV host sa kanyang speech sa campaign rally ng asawang si Sen Kiko Pangilinan, at Vice-President Leni Robredo sa Sta. Rosa, Laguna kamakailan na makakalaban nga nina Bongbong at Sara sa May 9 elections.
Ayon kay Mega, naging close sila ni Bongbong noong mga panahong dumadaan ang pamilya Marcos sa matinding pagsubok at kontrobersiya.
“Among the Marcos children, I would consider Bongbong the closest I had become to. Si BBM hindi ko iniwan. Hindi ko siya iniwan that whole time.
“Hindi nangangahulugang agree ako sa mga nalaman ko na unti-unti namulat ang mata ko dahil kilala ko ang pamilya personally.
“Hindi naman ganoong ka-close. Pero kilala ko sila. I did not leave Bongbong during all those years after People Power. He was my friend,” bahagi ng speech ng OPM at movie icon.
Patungkol naman kay Sara, “I met Sara when she was nine years old. Ever since she was nine years old, she has been a Sharonian. And Sara has been like my sister. Sara is my friend. She was like my sister. I hope after elections, I hope we can still be friends.”
Inamin din ni Mega na tatay na rin ang turing niya kay Pangulong Rodrigo Duterte pero talagang nawindang siya nang mapanood ang isang speech nito patungkol kay Lord
“When Tatay…once I saw on YouTube, he said who is this stupid God? Para akong binuhusan ng kumukulong tubig at meyelong tubig nang sabay. Kasi kapag Diyos na ang kinalaban mo, sino pa ang Diyos mo?”
View this post on Instagram
Ibinahagi rin ng Kapamilya actress na tumanggi siyang tumakbo sa isang eleksyon noong alukin siya ng kanyang yumaong tatay na si Pasay City Mayor Pablo Cuneta na kumandidato for a public office.
Aniya pa patungkol sa mga iboboto niyang kandidato sa May 9, “Ang pipiliin ko yung kilala ko na, yung alam ko na. This time ayoko na mabulag, ayoko na namulat na ako.
“Iba ang pagmamahal. Iba ang pagli-lead ng bansa. Ibang usapan yun, dahil marami akong nakitang gutom. Marami akong nakitang nangangailangan when the pandemic hit us,” katwiran ni Mega.
Umapela rin siya sa mga magulang na boboto sa darating na eleksyon, “Do you want your children, your grandchildren and your grandchildren’s children and so on and so forth – all the generations to come, to say, ‘My lola or my mother or my father or my lolo voted for the right leaders when they could?’”
Para naman sa lahat ng kabataan, ito lang daw ang masasabi niya, “You’re young, you’re smart, you’re woke, you know fake news, you know what’s real. You know how to find out the truth.
“It is so easy in this day and age. Do your research. Convince those na hindi pa namumulat ang mata na ito dapat ang gobyerno natin. Ipaglaban natin ito,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/308968/hirit-ni-toni-sa-mga-tagasuporta-nina-bbm-at-sara-sabi-nila-bayad-daw-po-ako-bayad-po-ba-kayo
https://bandera.inquirer.net/290705/kilalang-aktres-na-may-youtube-channel-ayaw-makipag-collab-sa-kapwa-artista
https://bandera.inquirer.net/308625/alamna-julia-hinalikan-sa-lips-si-coco-sa-harap-ng-cast-at-crew-ng-ang-probinsyano
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.