Rufa Mae 'todo na 'to' sa senado, planong tumakbo sa susunod na eleksyon: Pero sabi nila magparehistro raw muna ako! | Bandera

Rufa Mae ‘todo na ‘to’ sa senado, planong tumakbo sa susunod na eleksyon: Pero sabi nila magparehistro raw muna ako!

Ervin Santiago |June 07,2022
facebook
share this

Rufa Mae ‘todo na ‘to’ sa senado, planong tumakbo sa susunod na eleksyon: Pero sabi nila magparehistro raw muna ako!

Ervin Santiago - June 07, 2022 - 10:46 AM

Rufa Mae Quinto

SERYOSO pala ang veteran comedienne na si Rufa Mae Quinto sa plano niyang tumakbo bilang senador sa susunod na eleksyon.

Sabi ng komedyana at bagong artist ng GMA talent managenent na Sparkle, na-inspire siyang pasukin ang mundo ng politika nang sumama siya sa mga campaign rally nitong nagdaang presidential elections.

Nakachikahan namin si Rufa Mae kahapon sa ginanap na mediacon ng bago niyang comedy show sa GTV na “TOLS” at dito nga niya in-explain ang posibleng pagsabak niya sa politika.

Naging usap-usapan noon ang pagsampa niya sa campaign sorties ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at ng bagong halal na Bise Presidenteng si Sara Duterte at ang pag-join din niya sa kampanya ng partido ni Sen. Manny Pacquiao.

“Naisip ko, parang ang mga artista puwedeng-puwede pala. Halos lahat ng mga kaibigan ko sa showbiz nasa politika na,” chika ni Rufa Mae.

Ipinagdiinan ng komedyana na wala siyang ibang tinatarget na posisyon sa gobyerno kundi ang senado, “Ayoko sa congress, actually maraming offer, pero senador na talaga, agad-agad!”

Hirit pa niya, “Pero ang sabi nila sa akin, magpaparehistro raw muna ako! Ha-hahahaha! Yun daw muna ang unahin ko bago ako tumakbo.”

Pagpapatuloy pa ni Rufa Mae, “Na-enjoy ko kasi talaga nung mag-campaign ako. Sabi ko ganundin naman pala ang ginagawa, so mag-campaign na rin ako. Kaya ko pala.”

Ngunit ang inaalala niya ay kung papayag ang asawa niyang si Trevor Magallanes na sa Pilipinas na uli sila maninirahan kapag itinuloy niya ang balak na tumakbo.

“Mahal din kasing tumakbo so hindi pa rin alam. Hintayin ko muna kung sinong tatakbo (presidente) sa susunod na election. Makikisakay na lang ako sa plane. Kanina ko lang naisip,” sey pa ng komedyana sabay tawa.

View this post on Instagram

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto)


In fairness, kapag nanalo siyang ssnador ay magkakaroon na raw ng leading lady sina Sen. Bong Revilla, Sen. Lito Lapid, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Robin Padilla na nag-number one nga sa senatorial race.

Sey ni Ruffa, hindi naman daw siya nangangarap na mag-number one rin tulad ni Robin, “Kahit nasa top 3 lang. Ha-hahaha!”

At kung bibigyan daw siya ng posisyon sa Marcos administrasyon, “Puwede ako sa Tourism o sa DILG (Department of Interior and Local Government). Diyan pwede tayong gumamit ng batuta. Lagot kayo sa akin (mga tiwalang opisyal).”

Samantala, gusto ni Rufa Mae na magtagal muna rito sa Pilipinas para makagawa pa siya ng naraming proyekto tulad na lang ng bago niyang sitcom na “TOLS” na ipalalabas na sa GTV simula sa June 25, 7 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama niya rito ang tinaguriang bagong triplets, sina Kelvin Miranda, Abdul Raman at Shaun Salvador with Betong Sumaya, Arkin del Rosario, Raymond Mabute at Olive Mae. Ito’y sa direksyon ni Monti Parungao.

Rufa Mae sa epekto ng pandemya: Parang naging horror film ang buhay!

Rufa Mae: Ganito pala maging nanay ang sarap, ang saya, pero ang sakit din…

Rufa Mae iyak nang iyak: Hirap na hirap ako nu’ng una, parang end of the world na…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending