Lolit hinangaan ang tatag ng loob ni Kris sa pagpapalaki kay Josh at Bimby | Bandera

Lolit hinangaan ang tatag ng loob ni Kris sa pagpapalaki kay Josh at Bimby

Reggee Bonoan |June 06,2022
facebook
share this

Lolit hinangaan ang tatag ng loob ni Kris sa pagpapalaki kay Josh at Bimby

Reggee Bonoan - June 06, 2022 - 07:28 PM

Lolit hinangaan ang tatag ng loob ni Kris sa pagpapalaki kay Josh at Bimby
KAARAWAN ng panganay ni Kris Aquino na si Joshua Aquino nitong Hunyo 4 at edad 27 na siya.

Ngayong 2022 lang walang update kung paano isinelebra ni Kuya Josh ang kaarawan niya dahil alam naman ng lahat na may pinagdadaanan ang mama niya.

Nasanay na kasi ang lahat na taun-taon ay may pa-balloons all over the house, pa-cake, pa roses para sa kaarawan ni kuya Josh at ito ang inaabangan ng lahat.

At dahil wala nga si Kris ngayon sa bansa kaya walang update kung may selebrasyon ang binata.

Samantala, may post si Manay Lolit Solis tungkol sa ama ni kuya Josh na si Phillip Salvador.

Base sa Instagram post ni manay Lolit, “Lumitaw na naman ang pangalan ni Phillip Salvador dahil sa 27 birthday ni Joshua, anak ni Kris Aquino, Salve.

“Siyempre pa na iniisip ng lahat na for 27 years ano kaya ang naging contribution ni Phillip sa paglaki ni Joshua na may mga special needs pa naman.

“Ngayon na nasa seryosong lagay ang health ni Kris Aquino, na foremost sa isipan niya ang welfare ni Joshua na isang special person, bigla lumabas ang ‘ano ba ginagawa ni Phillip Salvador?’

“Siguro nga wala ito sa priority ng mga taong nasa isip ni Kris na puwedeng pag iwanan sa anak kung sakali. For years talagang independent sa pagiging mother ng mga anak niya si Kris Aquino.

“Kahit pa nga si James Yap mukhang walang ginagawa contribution sa paglaki ni Bimby. Kaya nga kahanga hanga na kinakaya lahat ni Kris ang responsibilidad.

“Kaya hindi kataka taka na ito ang ikinatatakot niya, maiwan ang mga anak niya. Kung alam lang ng lahat how quietly suffering si Kris Aquino sa kanyang sakit, at sa isip kung ano ang magiging kapalaran ng mga anak niya, mauunawaan natin ang kalagayan niya. Idalangin natin na maging maayos lahat sa buhay ni Kris, pray for her. Fighting Kris.”

Related Chika:
Phillip binanatan ang ilang nakaupong politiko; tinabla na nga ba ang mga kaibigan sa Senado?

May mga araw na hindi na naigagalaw ni Kris ang katawan; delikado nang magbiyahe sa ibang bansa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga araw na hindi na naigagalaw ni Kris ang katawan; delikado nang magbiyahe sa ibang bansa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending