Payo ni Bea sa mga magdyowa, magpakatotoo: Kung hindi ka na in love sa partner mo, dapat sabihin mo | Bandera

Payo ni Bea sa mga magdyowa, magpakatotoo: Kung hindi ka na in love sa partner mo, dapat sabihin mo

Ervin Santiago |June 06,2022
facebook
share this

Payo ni Bea sa mga magdyowa, magpakatotoo: Kung hindi ka na in love sa partner mo, dapat sabihin mo

Ervin Santiago - June 06, 2022 - 10:42 AM

Bea Alonzo at Dominic Roque

PINAYUHAN ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang mga taong hindi na masaya sa kanilang karelasyon na magpakatotoo at umamin na sa tunay nilang nararamdaman.

Naniniwala ang dalaga na mas mabuting tuldukan na ang isang relationship kapag may na-fall out of love na ang isa sa mag-partner kesa patagalin pa ito.

Sabi ni Bea, may okay na raw ang umamin nang bonggang-bongga kesa magresulta pa ito sa pagtataksil at panloloko na maaaring mauwi pa sa sumbatan at matinding away.

“You have to be fair not only to your partner, but to yourself as well. Kung hindi ka na in love, I guess you have to be transparent, and tell your partner.

“Dapat ibigay mo yung respeto na nararapat doon sa kasama mo sa relasyon.

“Tell him or her to already end the relationship, kasi alam mo kung bakit?” pahayag ng girlfriend ni Dominic Roque nang sagutin ang ilang lovelife questions ng netizens sa kanyang YouTube vlog.

“Ang nangyayari, kapag ang isang tao wala nang feelings toward the other person in a relationship, doon puwede may pumasok na iba, and therefore, you will cheat pa,” aniya pa.

Isa raw talaga sa pinakaimportanteng factor sa pakikipagrelasyon ay ang pagiging honest at loyal, kapag nawala raw ang mga ito siguradong magkakalamat na ang samahan ng magdyowa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Dagdag pang pahayag ni Bea, “You choose to fall in love with that person over and over again, kahit nakikita mo na yung differences niyo, yung mga flaws niya.

“Kung sa tingin niyo it’s time to end the relationship because it’s not working anymore, it’s not bringing out the best in you. Maybe you should sit down and talk to your partner about it, instead of fooling around and cheating.

“That would be ugly,” mariing sabi pa ng Kapuso star.

Nauna rito, sinagot din ni Bea ang tanong ng netizen kung okay lang ba sa kanya ang makipag-flirt sa mga female friends niya ang kanyang boyfriend.

“Siyempre hindi. For me, flirting is already cheating. Yun ‘yon, kasi ano yun, e, window to cheat. Kasi kapag ka nagpi-flirt, tapos may bumigay, e, di affair na iyon,” katwiran ng aktres.

Ang advice ni Bea sa netizen, aminin sa karelasyon ang tunay niyang nararamdama, “I think you should stand your ground and tell your boyfriend this is not okay.

“Let the person know you have these boundaries that they cannot cross, otherwise you will end the relationship,” paalala pa ng leading lady ni Alden Richards sa upcoming Kapuso series na “Start-Up.”

https://bandera.inquirer.net/307820/angeline-quinto-nasasaktan-sa-tuwing-bina-bash-ang-partner-hindi-nyo-naman-alam-ang-pinagdaanan-namin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/281723/diego-nakikita-na-ang-sarili-bilang-asawa-ni-barbie-kasama-ang-kanilang-mga-anak
https://bandera.inquirer.net/295263/julia-suportado-si-leon-sa-pagba-vlog-juliana-gomez-ideal-girl-para-sa-kapatid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending