Kuya Kim '100 percent healed' na mula sa COVID-19 | Bandera

Kuya Kim ‘100 percent healed’ na mula sa COVID-19

Therese Arceo - June 04, 2022 - 10:01 PM

Kuya Kim '100 percent healed' na mula sa COVID-19

MASAYANG ibinahagi ng GMA-7 host na si Kuya Kim Atienza na fully recovered na siya mula sa nakahahawang sakit na COVID-19.

Sa isang video na in-upload niya sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang nagli-lipsync ng kantang “I Won’t Let Go” ng Rascal Flatts ay inanunsyo na finally ay malaya na siya sa banta ng nakamamatay na sakit.

“I am now 100 percent healed of covid,” saad ni Kuya Kim.

Dagdag pa niya, “Thank you dear God for being there for me ALL the time.”

Kaakibat rin ng kanyang post ang isang Bible verse mula sa Psalm 91: 2-3.

“I will say of the LORD, ‘He is my refuge and my fortress, my God, in whom I trust.’ Surely he will save you from the fowler’s snare and from the deadly pestilence.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)

Labis naman ang tuwa ng mga kasamahan ni Kuya Kim sa industriya matapos malaman ang magandang balita.

“God is good! [emoji] Happy to know you’re ok,” saad ng GMA-7 News anchor na si Connie Sison.

Comment naman ni Geneva Cruz, “Yay! Im so happy! Ingat, friend! [emoji] @kuyakim_atienza!!!”

“Wonderful news! Good morning indeed!” sey naman ng celebrity mom na si Cheska Garcia-Kramer.

Matatandaang noong Sabado, May 28, nang ibahagi ni Kuya Kim na nagkaroon siya ng COVID-19 virus.

Sa kasamaang palad ay kinakailangan niyang i-isolate ang sarili malayo sa kanyang pamilya para protektahan ito laban sa sakit at hindi na makahawa pa.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit absent ang “Mars Pa More” host sa graduation ng kanyang anak na si Eliana.

Ngunit kahit na nagkasakit ay nananatili pa ring nakasuporta si Kuya Kim sa anak at sinabing proud na proud ito sa bagong achievement ni Eliana.

“I took a leave for this day I was sooo looking forward to but covid took the better of me and I had to isolate at home,” umpisa niya sa kanyang post noong nakaraang linggo.

“I love you and I am sooo proud of you @elianahatienza. You are God’s gift to mama and I and in a few months, you shall be in college far away from both of us.

“Parents are like bows and you are like an arrow. Our job is to shoot you far and straight and high…..far away from us. It is sad but that’s what parents are designed to do.

“I love you and will always be proud of you my dearest baby.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kuya Kim tinamaan ng COVID-19 kaya naka-isolate; hindi nakadalo sa graduation ng anak

Kuya Kim sa pag-alis sa ABS-CBN at paglipat sa GMA: Malungkot na masaya, mabigat na excited…

Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending