Jason Dy nadamay sa kontrobersyal breakup nina Moira at Jason Marvin: 'Grabe ka, nagawa mo pang mag-cheat' | Bandera

Jason Dy nadamay sa kontrobersyal breakup nina Moira at Jason Marvin: ‘Grabe ka, nagawa mo pang mag-cheat’

Ervin Santiago |June 01,2022
facebook
share this

Jason Dy nadamay sa kontrobersyal breakup nina Moira at Jason Marvin: ‘Grabe ka, nagawa mo pang mag-cheat’

Ervin Santiago - June 01, 2022 - 02:46 PM

Jason Dy, Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez

NADAMAY sa kontrobersyal na hiwalayan nina Moira dela Torre at Jason Marvin Hernandez ang isa pang Kapamilya singer na si Jason Dy.

Kasabay ng announcement kagabi ng celebrity couple tungkol sa kanilang breakup, naging isa sa mga top trending topic sa social media ang pangalan ni Jason Dy.

Inakala kasi ng ilang netizens na siya ang asawa ni Moira na tinutukoy sa mga naglabasang balita sa socmed tungkol sa hiwalayan.

“Hindi po ako yun,” ang mariing pagtanggi ni Jason Dy sa mga nagme-message at nagta-tag sa kanya ng mga news articles kung saan mababasa ang official statement ng mister ni Moira.

Sa kanyang Instagram page, ni-repost ni Jason Dy ang isa niyang private chat kung saan inakusahan nga siya ng isang netizen ng panloloko sa Kapamilya singer-songwriter.

“Grabe ka Jason, nagawa mo pang magcheat kay Moira??? Ano bang kulang sa kanya, di ka na naawa. Mga Leo talaga,” ang nakasaad sa nasabing private chat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Dy (@jasondy)


Napansin naman ng ilang netizens na tila ipinadala ni Jason sa kanyang sarili ang nasabing mensahe dahil sa location ng chatbox.

“Kapag nakareceived ng message dapat nasa left side. Someone sent you this screenshot? Or you sent this message to yourself?” komento ng isang Twitter user.

Paglilinaw naman agad ng singer, “I got this po from FB. Hindi ko po chinat sarili ko.” Nilagyan pa niya ito ng teary-eyed emoji.

Narito ang ilan sa mga nakaaaliw na reaksyon ng mga netizens sa pagiging biktima ni Jason Dy ng “mistaken identity.”

“Jason in multiverse.”

“Ikaw daw kasi kuya, manloloko ka daw kasi!”

“Hoy ‘wag mo dinadamay bebekwah. Si Jason Mraz talaga ‘yun eme.”

“Kaloka kayo! Nananahimik si Jason Dy dinadamay nyo sa isyu! Basa basa din kasi pag may time.”
“React pa more! Ayan na fake news kayo!”

“Maraming namamatay sa maling akala.c

“Omg, ateeee nkikimarites ka na lang mali pa na bigyan mo ng message hahaha.”

“Ang layo naman ng itsura ni Jason Dy kay Jason Marvin. Check check naman para hindi magmukhang walang alam.”

Si Jason Dy ang itinanghal na champion sa second season ng “The Voice Philippines” na umere noong 2015 sa ABS-CBN.

Kahapon, kinumpirma nga ni Jason Marvin na hiwalay na sila ni Moira at naging unfaithful siyang asawa.

“Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage.

“I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a ‘peaceful’ but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.

“From the bottom of my heart, I’m sorry for everyone I hurt. Especially Moi,” pahayag ni Jason.
Ikinasal ang showbiz couple noong January, 2019.

https://bandera.inquirer.net/314790/jason-hernandez-kinumpirmang-hiwalay-na-sila-ni-moira-dela-torre-im-sorry-for-everyone-i-hurt

https://bandera.inquirer.net/303817/hirit-ni-jason-sa-3rd-anniversary-nila-ni-moira-she-makes-the-best-cookies-cinnamon-rolls-she-makes-utos-a-lot-but-i-secretly-like-it

https://bandera.inquirer.net/304688/pamilya-ni-luane-dy-nagka-covid-din-nakakatakot-sobrang-napapraning-kami

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending