Kylie Padilla may kundisyon sa susunod na dyowa, dapat daw matanggap nito ang trabaho at 2 anak niya | Bandera

Kylie Padilla may kundisyon sa susunod na dyowa, dapat daw matanggap nito ang trabaho at 2 anak niya

Ervin Santiago - May 31, 2022 - 07:53 AM

Jak Roberto, Kylie Padilla at Rayver Cruz

MAY isang kundisyon ang celebrity mom na si Kylie Padilla sa lalaking manliligaw o magkakagusto sa kanya bago niya ito sagutin.

Inamin ng estranged wife ni Aljur Abrenica na nakikipag-date na siya uli ngayon matapos silang maghiwalay ilang buwan na ngayon ang nakararaan ngunit ayaw pa niyang magdetalye hinggil dito.

Sa nakaraang virtual mediacon ng comeback series ni Kylie sa GMA 7, ang “Bolera” nabanggit niyang hindi siya nagmamadali na magkadyowa uli dahil ang top priority pa rin niya ay ang dalawa niyang mga anak.

Natanong kasi ang Kapuso actress kung ready na ba siyang pumasok uli sa isang seryosong relasyon tulad ni Aljur na balitang maligayang-maligaya raw sa piling ng sexy star na si AJ Raval.

“As of now, hindi ko siya iniisip. Kasi priority ko muna ang mga anak ko, tapos ang career ko kasi kababalik ko pa lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kylie 🌙 (@kylienicolepadilla)


“Saka kung sinuman siya, dapat matanggap niya muna lahat ng ‘yon,” sabi ni Kylie na ang tinutukoy nga ay ang kanyang pagiging single at working mommy.

Samantala, aminado naman ang aktres na triple ang challenge na hinarap niya sa “Bolera” kung saan gaganap siya bilang si Joni, isang simpleng babae na magiging sikat at magaling na billiards player.

“When the role was offered to me, kinabahan ako kasi wala talaga akong alam about billiards. But they told me they will train me at noong naglalaro na ako, I really fell in love with the game.

“Lalo na nasa locked-in set kami in Clark, Pampanga. So maraming oras para mag-practice at ‘yun ang ginawa namin ng mga kasamahan ko sa cast, pati sa crew, naglaro kami ng billiards,” kuwento ni Kylie.

Isa sa mga nagpahirap sa kanya sa serye ay ang pagiging kaliwete ni Joni.

“Yes, nahirapan ako in projecting na marunong talaga ako and a professional player, kasi kaliwete si Joni and I’m really right handed. I had to really train and my coaches helped me a lot.

“I told myself, kaya natin ito. And as the taping goes on, na-relax ako and just enjoyed so much what we were doing,” aniya pa.

Naniniwala naman ang aktres na perfect ang “Bolera” sa kanyang pagbabalik-teleserye, “Yes, I’m so proud of this show. I love it that may element of woman empowerment kasi billiards is associated with men, but Joni is isang babaeng may pinaglalaban dahil sa family niya, specially for her dad who’s wrongly accused of something he didn’t do.”

Aniya pa, “No pressure, kasi alam ko maganda ‘yung show namin. Sobrang minahal ko lahat dito and naiiyak ako when I was watching the trailer.

“I’m so confident the audience will like ‘Bolera’ kasi I committed myself totally to the role. I even sang the theme song myself, ‘Ang Bolera’. I’m so thankful to the Lord and to GMA for this project kasi there was a time I thought hindi na ako makakabalik,” sey pa ni Kylie.

Dalawa ang leading man niya sa “Bolera” — sina Rayver Cruz as Miguel na isang billiard champ at  Jak Roberto bilang Toypits, ang best friend ni Joni na may lihim na pagtingin sa kaibigan na eventually ay magiging manager niya.

“They’re both good in playing the game at tinulungan din nila ako. We’re all so blessed to work with each other. Lahat kami sa set, nag-jive talaga.

“Rayver and I did a horror movie before sa Regal, so kilala ko na siya. Si Jak ang ngayon ko lang nakatrabaho.

“Noong una, may tensiyon, kasi feeling daw niya aloof ako at too serious. So nahiya rin ako sa kanya, but since magkasama kami araw-araw, na-relax din kami sa isa’t isa, nawala ‘yung tension,” sey ni Kylie.

Bukod sa tulong ng billiards champ na si Efren “Bata” Reyes, sumailalim din siya sa training umder real life billiards expert na sina Johann Chua at Geona Gregorio, na nanalo ng gold medals sa katatapos lang na 2022 SEA Games.

Makakasama rin sa “Bolera” sina Jaclyn Jose, Al Tantay, Joey Marquez, Gardo Versoza, Via Veloso, Sue Prado, Dion Ignacio, Gie Villamil at David Remo, sa direksyon nina Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy.

Nagsimula na ito kagabi sa GMA Telebabad kapalit ng “False Positive” nina Xian Lim at Glaiza de Castro.

https://bandera.inquirer.net/303494/kylie-padilla-kinakarir-ang-paglalaro-ng-billiards-makikipag-collab-kina-rayver-at-ruru

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303841/kylie-na-in-love-agad-sa-billiards-tuwang-tuwa-nang-regaluhan-ng-tako
https://bandera.inquirer.net/314529/jak-roberto-na-shock-nang-makaeksena-si-rayver-cruz-nakakakilabot-ang-galing-niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending