Beauty may 'expiration date' ang pag-aartista, nangako sa asawa't anak na 6 years na lang sa showbiz | Bandera

Beauty may ‘expiration date’ ang pag-aartista, nangako sa asawa’t anak na 6 years na lang sa showbiz

Ervin Santiago |May 30,2022
facebook
share this

Beauty may ‘expiration date’ ang pag-aartista, nangako sa asawa’t anak na 6 years na lang sa showbiz

Ervin Santiago - May 30, 2022 - 05:19 PM

Beauty Gonzalez, Olivia at Norman Crisologo

MAY “expiration date” pala ang pag-aartista ni Beauty Gonzalez  — posibleng six years na lang daw ang itagal niya sa entertainment industry.

In fairness, mula nang lumipat siya sa GMA 7 mula sa ABS-CBN ay sunud-sunod talaga ang pagbibigay sa kanya ng magagandang proyekto.

Simula sa June 6, mapapanood na ang bago niyang teleserye sa Kapuso network na tatalakay sa mainit at kontrobersyal na isyu ng pangangaliwa o infidelity, ang “The Fake Life”.

“I’m happy na sunud-sunod ang work ko sa GMA after ‘Loving Ms. Bridgette’ on Afternoon Prime, ‘AlterNate‘ with Dingdong Dantes on primetime, and now I’m in ‘The Fake Life’ naman,” masayang pahayag ni Beauty sa virtual presscon ng “The Fake Life”.

“Thank you for their trust in giving me very good projects,” dugtong pa ng Kapuso star who just turned 31 last May 28.

Tungkol naman sa mga bago niyang katrabaho sa “The Fake Life,” “Yes, I now get to work with award-winning actors like Ariel Rivera as my husband and Sid Lucero as the other man in my life.

“Nakaka-inspire silang katrabaho kasi pareho silang napakagagaling talaga.

“I feel blessed I get to play good roles at iba’t iba ang napapanood ng tao na character sa akin. Dito, ako yung unfaithful wife, marupok, ako ang nagkamali. I’m also happy to work with Direk Adolf Alix again na director ko rin sa ‘Ms. Bridgette,’” aniya pa.

Sa nasabi ring mediacon kinumpirma ng aktres na wala na siya sa talent management ni Arnold Vegafria at lumipat na nga siya kay Becky Aguila na manager din nina Jennylyn Mercado at Andrea Brillantes.

“Ako naman, I just follow my feelings. Mabilis lang ang lahat nang lumipat ako.

“I’m now happy with Mama Becky. Everything is going on smoothly. Heto, I have a new show and I also have a new movie,” sabi ni Beauty.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez)


Samantala, nagkuwento rin ang celebrity mom kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang 31st birthday.

“We’re still in a lock in taping for ‘The Fake Life’. Hindi pa kami tapos, so I’m busy working on my birthday. And wala na rin siguro akong mawi-wish kasi I’m so happy right now, sa career ko and sa family life ko,” pahayag ni Beauty.

Nagpasalamat din siya sa kanyang husband na si Norman Crisologo, “Kasi very supportive siya sa akin. He can see I’m enjoying acting at sabi niya, I should really fulfill my dreams as an actress.

“Also I want to show na kahit na may asawa na ako, I can still do all sorts of roles just like actresses abroad na kahit may family na, okay pa rin ang careers nila,” sabi pa niya.

At dito na nga niya nabanggit na binigyan niya ng deadline ang sarili sa mundo ng showbiz at alam daw ito ng kanyang mister.

“Sabi ko sa husband ko, in around six years, I promise na magre-retire na ako. When I had my daughter kasi, bumalik na ako uli agad sa work and since then, hindi na ako natigil.

“My husband saw I’m enjoying it and I’m a happy wife with a happy life. And to my daughter who’s now six, I promise na kapag teenager na siya, I will stop na and babawi ako sa kanila ng daddy niya.

“So ngayon, ginagalingan ko talaga ang trabaho ko para kahit umalis na ako, may maiwan akong mark dito,”  paliwanag ni Beauty.

Natanong din siya kung hindi ba siya nao-offend o feeling awkward na mother roles na ang ginagampanan niya kahit 31 pa lang siya.

“Okay lang naman sa akin. Hindi ako nao-offend. Trabaho lang yun and I take it as a challenge as an actress. It’s how you carry yourself lang naman.

“In my first nanay role nga, the actor who played my son, mas matanda pa sa akin, si Enzo Pineda, so sabi ko, it’s his job na mas magmukha siyang bata kaysa sa akin on screen,” natatawang chika ng aktres.

Sa huli, nagbigay din siya ng mensahe para sa Kapuso network,  “I just want to thank GMA as I’m very happy with them at wala na akong mawi-wish pa about my career. I really cannot complain and I feel so blessed. So wala na ako talagang mawi-wish kundi, siguro, world peace!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang “The Fake Life” simula sa Lunes, June 6 na siyang papalit sa magtatapos nang “Artikulo 247”.

Beauty nakaligtas sa hagupit ng bagyong Odette, pinigilan ng ina na magpunta sa Siargao

GMA tinupad agad ang wish ni Beauty: Hindi lang isa kundi 2 Dingdong pa ang nakatambal ko

KC may isa pang namana kay Mega bukod sa pag-aartista: Mommy ko talaga ang nag-influence sa akin ng…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending