Netizens mas bilib kay KC kesa kay Frankie: Hindi kasi siya yung tipong super dakdak at sugod nang sugod | Bandera

Netizens mas bilib kay KC kesa kay Frankie: Hindi kasi siya yung tipong super dakdak at sugod nang sugod

Ervin Santiago - May 29, 2022 - 06:26 AM

Sharon Cuneta, Miel Pangilinan, KC Concepcion at Frankie Pangilinan

MARAMING nagkokomento na ibang-iba raw talaga ang ugali at personalidad ng half-sisters na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.

May nagsasabi na mas matapang daw si Frankie kesa kay KC pagdating sa pagsasapubliko ng kanyang mga nararamdaman habang ang ate naman daw niya ay laging “play safe” at parang takot na takot magkamali at ma-bash.

Pero sey naman ng ilang fans ni KC, mas gusto nila ang ugali at pananaw sa buhay ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion dahil pinipili lang nito ang labang papasukan at paninindigan.

Komento nga ng isang tagasuporta ni KC, “Parang mas gusto ko ang pagpapalaki ni Mega kay KC kesa kay Frankie. Yes, bibilib ka sa tapang at paninindigan ng anak nila ni Kiko Pangilinan pero parang OA na kasi siya kaya nagmumukha na siyang katawa-tawa.”

Ito pa ang reaksyon ng isa pang fan ni KC, “Mas feel ko rin si KC because of her qualities na thinking celebrity. She’s not the type na sugod lang nang sugod at dakdak nang dakdak unlike Frankie na intelligent nga pero parang hindi muna nag-iisip kaya ending, napapasama pa siya kahit na maganda ang intention niya.”

Feeling naman namin, nagagawa ni Frankie ang makipaglaban sa mga taong kumokontra o nangnenega sa kanilang pamilya lalo na noong kasagsagan ng pangangampanya ng tatay niyang si Sen. Kiko sa pagka-bise presidente ay dahil naniniwala siya sa kakayahan ng ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kakie (@frankiepangilinan)


At handa niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya maipanalo lang ang kandidatura ni Sen. Kiko. At dahil siguro sa sobrang frustration matapos matalo ang ama sa eleksyon ay talagang nag-join siya sa rally ng Kakampinks sa harap ng Comelec building sa Maynila kung saan muli siyang na-bash nang bonggang-bongga.

Samantala, habang binabatikos nga si Frankie, abala naman sa kanyang international career si KC sa Amerika. Balitang natapos na niya ang kanyang Hollywood movie na “Asian Persuasion.”

At kasunod nga nito ang naging pahayag ng dalaga na okay lang sa na manirahan na siya sa US for good at tuluyan nang iwan ang buhay niya sa Pilipinas.

Tanong ng isa niyang fan, “Aren’t (you) considering moving to NYC (New York City)? The Big (Apple emoji) happiness glow suits you very well.”

Sagot naman ni KC, “If God would will it, then I wouldn’t mind it at all. (New York City) has become a pretty special place to me.”

Halos ganito rin ang naging sagot noon ng dalaga nang matanong siya kung kaya ba niyang iwan ang Pilipinas para sa US at doon na manirahan for good.

“Yes. I’ve lived and studied in Boston and NYC. There is plenty to do here and I miss Europe very much but have great friends here, too,” tugon ni KC.

https://bandera.inquirer.net/283013/sharon-inaming-magkaiba-ang-ugali-nila-ni-kc-pero-mabait-siyang-anak

https://bandera.inquirer.net/298045/kc-concepcion-naka-unfollow-kay-frankie

https://bandera.inquirer.net/314288/cristy-fermin-may-banat-uli-kay-frankie-mas-gusto-kong-isiping-naimpluwensiyahan-lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending