Seth Fedelin sa fans ng Gold Squad: Iwas lang sa salitang binibitawan, minsan hindi na tama at sumusobra na Bandera

Seth Fedelin sa fans ng Gold Squad: Iwas lang sa salitang binibitawan, minsan hindi na tama at sumusobra na

Ervin Santiago |May 29,2022
share this

Seth Fedelin sa fans ng Gold Squad: Iwas lang sa salitang binibitawan, minsan hindi na tama at sumusobra na

Ervin Santiago May 29, 2022 - 06:37 AM

Seth Fedelin, Andres Brillantes, Francine Diaz at Kyle Echarri

NAKIUSAP na ang Kapamilya young actor na si Seth Fedelin sa mga supporters ng The Gold Squad na sana’y tigilan na ang pagpapakalat ng fake news at pagpo-post ng malilisyosong salita sa social media.

Partikular na tinukoy ng binata ang mga haters nina Andrea Brillantes at Francine Diaz na patuloy na gumagawa ng issue para pag-awayin ang dalawang young actress.

Present si Seth pati na ang iba pang Gold Squad members na sina Andrea at Kyle Echarri sa naganap na Star Magic 30th All Star Games last week sa Araneta Coliseum.

Dito nga naglaro ng basketball sina Kyle at Seth habang sumabak naman sa volleyball si Andrea as part of the winning Star Magic Lady Spikers team kung saan all out ang support na ibinigay sa kanya ng kanyang boyfriend na si Ricci Rivero.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


Sa isang panayam kay Seth, nabanggit nga niya na masaya siya para sa dati niyang ka-love team na si Andrea at kay Ricci, “Wala naman kasing issue yun. Kung sino ang gusto ng isang tao, wala namang issue yun.

“Ang gagawa lang siguro nu’n yung mga taong nagdedesisyon para sa mga buhay di ba? Support na lang siyempre. Masaya siya dun so ba’t tayo mangingialam? Masaya sila,” diin ng binata.

Siniguro rin ni Seth na buo pa rin ang The Gold Squad sa kabila ng mga kontrobersiya na kinasangkutan nila nitong mga nagdaang buwan.

“Wala namang problemang hindi naaayos. Basta kaming apat, magkakaibigan. Siyempre sa magkakaibigan merong hindi pagkakaintindihan. Hindi naman maiiwasan yun eh. Pero walang problemang hindi naaayos.

“In the end, nasa isang bahay lang kayo eh. ABS-CBN tayo so lagi tayong magkikita. Basta alam naming apat kung ano yung nangyari, alam namin yung mga dala namin sa loob sa mga puso namin. So nagkakaintindihan kaming apat,” pahayag ng binata.

At sa lahat naman ng mga nag-aaway-away na fans nina Francine at Andrea, ito naman ang mensahe ni Seth, “Sa mga SethDrea maraming salamat dahil patuloy niyo kaming minamahal and patuloy niyo kaming sinusuportahan.

“Tama na tayo sa mga problema. Kaming apat, alam namin ang nangyari. Enough na po. Mahal namin ang isa’t isa. Sana magmahalan tayo.

“Hindi lang sa mga SethDrea, sa lahat ito, iwas lang sa mga salitang binibitawan dahil minsan hindi na tama at sumusobra na.

“Lalo na kapag ang mga pinagsasalitaan natin ay mga babae. Itatak natin sa isip natin na mga babae sila. Katulad niyo rin po sa mga babae, sa mga lalake.

“Paggalang na lang at saka respeto. Wala po tayong alam sa totoong nangyari. Maraming maraming salamat dahil napag-uusapan kami. Inom inom lang ng pineapple juice, yun lang,” ang tumatawang sabi pa ni Seth.

Andrea Brillantes, Francine Diaz iniintriga ng netizens, nagkakainitan nga ba?

Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko

Andrea umaming 2 taon naging dyowa si Seth; dinenay na sinugod si Francine sa dressing room

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending