Bella Poarch hindi napigilan ang 'pagkahumaling' kay Joshua Garcia | Bandera

Bella Poarch hindi napigilan ang ‘pagkahumaling’ kay Joshua Garcia

Therese Arceo |May 27,2022
facebook
share this

Bella Poarch hindi napigilan ang ‘pagkahumaling’ kay Joshua Garcia

Therese Arceo - May 27, 2022 - 12:46 PM

Bella Poarch hindi napigilan ang 'pagkahumaling' kay Joshua Garcia
USAP-USAPAN na naman ngayon ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia at ang Filipino-American artist na si Bella Poarch.

Muli kasing nagkaroon ng interaksyon ang dalawa nang mag-comment ang dalaga sa Instagram post ng aktor kung saan makikitang topless ito at paahon sa swimming pool.

Isang emoji lamang ang comment ni Bella na tila napapa-wow sa post ng aktor pero labis labis na emosyon na agad ang ipinarating nito sa mga netizens.

Gumanti rin naman si Joshua sa comment nito at nag-reply rin ng emoji bagay na mas nagpakilig sa madlang pipol.

Marami tuloy sa mga netizens na nagsisimula nang i-ship ang dalawa dahil mukhang napapadalas na ang pagkakaroon ng online encounter nina Bella at Kapamilya actor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)

“Mapapasabi ka talaga ng uwian na, may nanalo na e. Kilig po ako sa inyo” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Ate Bella, ang swerte mo naman po. Sana all napansin ni crush.”

“Pila po tayo nang maayos,” singit naman ng isa pang netizen.

Hirit pa ng isa, “huhu tignan mo si @bellapoarch ayaw pumila. Inaagaw asawa natin.”

Matatandaang noong nakaraang buwan ay naging usap-usapan na rin ang dalawa matapos masama sa TikTok video ni Bella ang aktor.

Base sa video ay tila hindi nawawala sa isipan niya si Joshua na kahit hanggang sa kanyang pagluluto.

“Singer ba siya?” caption ni Bella na sinagot naman ni Joshua ng face with peeking eye emoji.

Noong ding araw na yun ay nagsimula nang i-follow ng dalawa ang isa’t isa.

Related Chika:
Joshua Garcia na-feature sa TikTok video ni Bella Poarch, sey ng netizens: May sumingit sa pila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

May bago na bang nagpapatibok ng puso ni Joshua Garcia?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending