Robert Bolick may pakiusap sa pamilya, nagpasalamat sa asawang si Cassandra Yu | Bandera

Robert Bolick may pakiusap sa pamilya, nagpasalamat sa asawang si Cassandra Yu

Therese Arceo |May 26,2022
facebook
share this

Robert Bolick may pakiusap sa pamilya, nagpasalamat sa asawang si Cassandra Yu

Therese Arceo - May 26, 2022 - 08:25 PM

Robert Bolick may pakiusap sa pamilya, nagpasalamat sa asawang si Cassandra Yu

HANGGANG ngayon ay trending pa rin ang basketbolistang si Robert Bolick matapos aminin ng kanyang asawang si Cassandra Yu na ikinasal na sila noong Marso na ginanap sa Cebu City.

Nagkalat kasi ang mga screenshot ng tila bangayan ng ina ng basketbolista at ng kapatid ng social media influencer sa social media.

Nauna na naming naisulat kahapon ang pagkadismaya ng ina ni Robert na si Zeny matapos magpakasal ng anak na hindi nag-aabiso sa kanila.

Sinabi rin nito na hindi welcome si Cassandra sa bahay nila sa Ormoc o sa Amerika dahil hindi naman daw nila ito gusto at hindi rin nila alam ang ugali.

Kaya naman rumesbak ang kapatid ni Cassandra na si Maria Carmela Yu at pinalagan ang pahayag ng ina ni Robert.

Aniya, “And do you think we like your son? He has dragged my sister’s name into a mess that he created and he never stood up for it.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robert Lee Bolick JR (@babesbolick)

 

Dagdag pa ni Carmela, naging bad influence raw si Robert sa kapatid niya at kinumbinsi pa ito na ipagpatuloy ang kasal kahit na hindi pa nila sinasabi sa mga magulang ang kanilang plano.

“They hid their marriage from us, our mother had to find out about it through someone else.”

Pagpapatuloy pa niya, kahit na ganoon daw ang ugali ni Robert ay tinanggap pa rin nila sa kanilang bahay ang basketbolista.

“But you know what, despite how atrocious is your son’s behavior, we will always be the better persons because we still welcomed your son in our home even if it wasn’t to our liking,” sey pa ni Carmela.

Kaya naman nakiusap si Robert sa kaniyang pamilya sa kanyang mahabang post sa Facebook.

“Sa aking pamilya, mahal na mahal ko kayo di niyo lang talaga alam nangyayare for sure. Kasalanan ko kasi di ako nag sabi pero paano mo sabihin mga ganung bagay sa pamilya mo?

“Pero kahit ganun pa man, mahal na mahal ko kayo at welcome kayo sa buhay namin ni Cassandra at sa magiging anak namin in the future,” saad ni Robert.

Labis naman ang pasasalamat ng basketbolista sa kanyang asawa sa pagiging understanding nito at sa pagiging matatag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa asawa ko pasensya at maraming salamat sa sobrang tatag mo na kahit ano binabato sayo kahit di naman totoo nan dito kaparin sa akin at minamahal mo ako ng sobra sobra kaya tayo nag asawa kasi click tayo at para tayo sa isat isa,” sey ni Robert.

 

Related Chika:
Robert Bolick ikinasal na, sariling ina dismayado: What a shame!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending