Robert Bolick ikinasal na, sariling ina dismayado: What a shame! | Bandera

Robert Bolick ikinasal na, sariling ina dismayado: What a shame!

Therese Arceo - May 25, 2022 - 04:04 PM

Robert Bolick ikinasal na, sariling ina dismayado: What a shame!

MASAMA ang loob ng ina ng PBA player na si Robert Bolick matapos mapag-alaman na ikinasal ito sa girlfriend niyang si Cassandra Yu.

Labis ang pagkadismaya ni Zeny Bolick dahil wala man lang binanggit sa kanila ang anak nang magpakasal ito.

“He got married without telling his parents. What a shame,” diretsahang sabi ng ina ni Robert.

Aniya, hindi raw welcome si Cassandra sa kanilang bahay sa Ormoc, Leyte maging sa bahay nito sa Estados Unidos.

“I don’t like this girl and she is not welcome in my house either in Ormoc or in the US. I don’t even know what kind of a woman she is. He never introduced us to this woman,” dagdag pa nito.

Nitong Linggo, May 22, na ikinasal na sila ng kanyang boyfriend at player ng NorthPort Batang Pier na si Robert Bolick noong March 22.

“When the time is right, when the intention is clear, when the heart is ready, God will surely let you experience being loved by the person He prepared for you,” caption ni Cassandra sa kaniyang post.

Naganap ang kabilang civil wedding ceremony sa opisina ni Cebu City Mayor Michael Rama.

Isa naman sa mga sponsors nina Robert at Cassandra ang dating PBA star at alkalde ng Cebu City na si Dondon Hontiveros.

Matatandaang naging usap-usapan na noon si Robert matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng dating kasintahan at volleyball player na si Abigail Maraño noong nakaraang taon.

Marami kasi ang nagulat nang bigla na lang mag-post noon ang basketbolista kasama si Cassandra habang sila pa ng volleyball player.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cassandra Bolick (@kcassandrita)

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa kanilang mga fans at netizens ang nangyari ngunit nanatiling tahimik ang dalawa ukol sa nangyari na naging dahilan ng pagkakatapos ng walong taon.

At ngayon ngang lumantad na sina Cassandra at Robert bilang mag-asawa ay kasabay na rin ng pagsasalita ng basketbolista para protektahan ang kanyang maybahay.

Aniya, hindi naman daw siya inagaw ni Cassandra kay Aby dahil alam ng huli ang isa sa mga dahilan ng kanilang hiwalayan.

“Alam mo ginawa mo buntis ka tapos nag pa lag lag ka tama ba yun? Sino ba naman lalaki gusto sumama sa isang babaeng ganun?” saad ni Robert sa kanyang Facebook post.

Ayon sa kanya, hindi raw alam ng pamilya ng balebolista ang diumano’y pagpapalaglag niya.

Sey ni Robert, “Mismo pamilya mo di alam paano pa kaya teammate mo alam ba nila? Lalo na pamilya ko. Ngayon, for sure, alam na nila ngayon.

“Kaya ganyan sila kasi di naman nila alam ngyayare kasi lalaki ako, eh ganun kami tinatago sa sarili, feeling malakas, pero natatamaan na sa loob.”

Bukas naman ang Bandera para sa panig ni Abigail Maraño hinggil sa ibinabato sa kanya ng dating nobyong si Robert Bolick.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
James Yap certified vlogger na rin; na-wow mali agad sa unang vlog

Bianca sinagot ang tanong na, ‘is sex better with a basketball player or with an artist?’

Robert Jaworski tinamaan ng ‘rare blood disease’, may konek nga ba sa basketball?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending