Susan Roces pumanaw na sa edad 80, buong showbiz industry nagluluksa | Bandera

Susan Roces pumanaw na sa edad 80, buong showbiz industry nagluluksa

Ervin Santiago - May 20, 2022 - 11:22 PM

Sudan Roces

PUMANAW na ang award-winning veteran actress at isa sa mga itinuturing na movie queen na si Susan Roces. Siya ay 80 years old.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe ang malungkot na balita sa publiko sa pamamagitan ng inilabas na official statement ng kanilang pamilya.

Ikinagulat ng showbiz industry ang  biglaang pagpanaw ng Queen of Philippine Movies ngayong Biyernes ng gabi, May 20. Kanya-kanya nang post sa social media ang maraming celebrities ng kanilang mensahe ng pakikiramay sa pamilya ng naulila ng premyadong aktres.

Magse-celebrate na sana ng kanyang 70 years sa entertainment industry at ng kanyang 81st birthday sa July 28 ngayong taon ang beteranang aktres.

“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces.

“She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends.

“She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindess. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ.

“We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure,” ayon sa pahayag ng pamilya ni Susan Roces.

Nabiyuda ang beterang aktres taong 2004 nang pumanaw ang kanyang asawang si Fernando Poe, Jr., na tinagurian namang Action King of Philippine Movies.

View this post on Instagram

A post shared by Grace Poe (@sengracepoe)


Nagsimula ang acting career ni Susan Roces bilang child actress noong 1952, sa pelikulang “Mga Bituin ng Kinabukasan” mula sa Nepomuceno Productions. Sinundan ito ng kanyang launching movie na “Boksingera” mula sa Sampaguita Pictures.

At magmula nga noon, nagsunud-sunod na ang pelikula ni Susan hanggang sa magkamit na nga ng maraming acting award at maging icon ng Philippine movies.

Ilan pa sa mga blockbuster films ng aktres ay ang “Gumising Ka Maruja”, “Patayin sa Sindak si Barbara” at “Mahal, Ginagabi Ka Na Naman”.

Ang huling proyekto ni Susan sa telebisyon ay ang “FPJ’s Ang probinsyano” kung saan gumaganap siya bilang Lola Flora, ang lola ni Cardo Dalisya na ginagampanan ni Coco Martin.

https://bandera.inquirer.net/289423/susan-roces-80-na-today-school-at-home-ng-knowledge-channel-wagi-sa-csr-guild-awards

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289768/kris-nanahimik-dahil-may-pasabog-sa-pagbabalik-kaya-kong-magpaligaya-ng-tao-most-especially-now

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending