TikTok star Jules Eusebio pumanaw dahil sa severe typhoid fever | Bandera

TikTok star Jules Eusebio pumanaw dahil sa severe typhoid fever

Therese Arceo |May 17,2022
facebook
share this

TikTok star Jules Eusebio pumanaw dahil sa severe typhoid fever

Therese Arceo - May 17, 2022 - 06:28 PM

TikTok star Jules Eusebio pumanaw dahil sa severe typhoid fever

NABIGLA at nalungkot ang madlang pipol natapos kumalat ang balita na pumanaw na si Jules Eusebio o mas kilala bilang “The Dub King” sa social media lalo na sa TikTok.

Sa katunayan, nito lang ay labos ang inihatid nitong saya sa mga netizens matapos ang kanyang ginawang parody ng video ni Mariel Padilla kung saan ginaya niya ang reaksyon ng asawa ni Robin matapos mahulog ang electric fan na nakatapat dito habang naka-Facebook live siya.

Ayon sa mga kumakalat na balita ay pumanaw ito nitong Lunes ng gabi, Mayo 16, dahil sa severe typhoid fever.

Noong Abril pa lamang ay madalas na ang kanyang pagpapabalik-balik sa ospital ngunit ang mas nagpapalala ng kanyang kondisyon ay ang pinagdaraanan daw nitong depresyon na walang detalye kung ano ang pinag-ugatan.

Marami naman ang nakikidalamhati sa paglisan ng TikTok star.

“It’s very hard to accept the truth that you left me @juleseusebio #dubkingjules. I know you’re back with our heavenly Father. Painful for me but enjoy your eternal life in heaven,” pagbibigay tribute ng isang TikTok user na si Mommybets.

Nagpaabot rin ng pakikiramay ang ibang netizens sa pamilyang naiwan ni Jules.

 

View this post on Instagram

A post shared by Jules Reyes Eusebio (@juleseusebio)

 

Saad ng isang netizen, “Wala na nagpapasaya sa akin. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ako nahilig manood sa TikTok, ang lungkot-lungkot ko.”

“Siya yung nagpapasaya sa atin pero siya pala itong may pinagdaraanan. Rest in peace, idol! Panonoorin na lang namin mga content mo,” pagbabahagi naman ng isa.

Sumikat si Jules sa social media matapos mag-viral ang kanyang mga nakakaaliw na pagda-dub sa mga scenes ng mga artista sa mga TV programs at maski na rin sa mga pelikula.

Noong 2021 rin ay na-meet niya ng personal ang “Dubsmash Queen” na si Maine Mendoza.

Related Chika:
Netizens aliw na aliw sa viral tweet ni Paulo Avelino: Inuman lang? Ang hina mo naman

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi na prank: Nikko Natividad, Cielo Eusebio ikinasal na sa Nasugbu, Batangas

Warning kay Pauleen: Guwardiyahan si Bossing laban kina Yaya Dub at Patricia!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending