Netizens aliw na aliw sa viral tweet ni Paulo Avelino: Inuman lang? Ang hina mo naman | Bandera

Netizens aliw na aliw sa viral tweet ni Paulo Avelino: Inuman lang? Ang hina mo naman

Reggee Bonoan |August 13,2021
facebook
share this

Netizens aliw na aliw sa viral tweet ni Paulo Avelino: Inuman lang? Ang hina mo naman

Reggee Bonoan - August 13, 2021 - 05:33 PM

Trending kamakailan si Paulo Avelino dahil sa paghahanap nito ng kainuman via zoom.

Tweet ng aktor, “LF:  Ka-inuman.”

Sabay add ng isa pang tweet na, “Gawa na ba ako ng Zoom link?”

Sinagot naman siya ng isang follower na may username na @Roshiel1979, “bawal dn dw inuman paulo lockdown pati baso.”

Sabi naman ng aktor, “Sabi ng Mayor namin pwede daw basta wag lumabas.”

Pabirong tanong ng netizen na si @syaramey kay Paulo, “LF: Pulutan. Pwede ka?”

“G (na ibig sabihin ay game)” sagot naman ng aktor.

Hirit ni @saranggashi, “puwede po ba magse-17 (edad) palang?”

Mabilis na sagot naman ng aktor, “21 up lodi.”

Tinanong ni @micaaaachuu kung ano ang paboritong pulutan ni Paulo, “Anong paborito mong pulutan? Mani?”

“Paano mo nalaman,” sagot naman ng aktor.

Sey naman ni @louiseraiah, “Inuman lang? Ang hina mo naman?”

“Kuwentuhan, “sagot nito.

At marami na rin ang nakisali na baka puwede sila kahit 19 years old palang pero sinabihan agad sila ng aktor ng, “Deins.”

Sabi pa ng aktor, “ayan, panoorin ko na lang kayo mag-usap-usap.”

Anyway, nasa bahay lang kasi si Paulo kaya para hindi mainip ay gumawa siya ng paraan para makatsikahan ang supporters niya sa pamamagitan ng e-numan at bilang promo na rin ng pelikulang prinodyus niya sa TBA Studios na “Dito at Doon” nina JC Santos at Janine Gutierrez na nanalo sa nakaraang New York Asian Film Festival bilang Rising Star.

Isa rin sa pino-promote ng aktor ay ang TV series nilang “Marry Me, Marry You” na kasama rin si Janine na mapapanood ngayong Setyembre sa A2Z at Kapamilya Online.

* * *

Nanganganib na maudlot ang pag-iibigan nina Jules (Joross Gamboa) at Marge (Roxanne Guinoo-Yap) sa bagong kinagigiliwan at kinakikiligang programa sa Kapamilya Channel at A2Z na “Hoy, Love You.”

Noong Sabado (Agosto 7) kasi, sorpresang dumating si Richard (Dominic Ochoa), ang dating ka-relasyon ni Marge, matapos mawala ng 16 taon sa buhay niya at ng anak nilang si Charles (Aljon Mendoza).

Dahil sa pagkabigla ng lahat, nabalewala tuloy ang romantikong proposal ni Jules kay Marge, kung saan ginawa pa nitong singsing ang pako na nagkaroon ng papel sa kanilang biglaang pagiging malapit sa isa’t isa.

Sa susunod na episode ngayong Sabado (Agosto 14), magtutuloy ang paandaran nina Jules at Richard para makuha ang loob ni Marge, na naguguluhan kung kanino niya bubuksan ang puso. Kay Richard ba na dati niyang mahal at ama ng kanyang anak? O kay Jules na bago niyang kilala at muling nagdala sa kanya ng saya?

Samantala, kaabang-abang din ang masayang hiritan nina Madam Elizabeth (Carmi Martin) at Keanna Reeves (Aling Malu) at ang harutan ng mga kaibigan ni Jules na sina Bart (Yamyam Gucong), Tommy (Pepe Herrera), at Drew (TJ Valderrama). Ikinatutuwa rin ng fans ang mga pa-simpleng throwback ng “Hoy, Love You” sa mga kasabayan nina Joross at Roxanne sa “Star Circle Quest” na si Neri Naig-Miranda at Sandara Park. Larawan ni Neri ang ginamit para sa namayapang asawa ni Jules habang ginamit namang pang-harana ang awiting “In or Out” ni Sandara.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa nanamang mahalagang anunsyo mula sa cast ang naghihintay para sa fans ng “Hoy, Love You” ngayong Sabado sa social media accounts ng iWantTFC. Kamakailan lang, ibinalita na magkakaroon ng Season 2 ang programa na kinuhanan pa rin sa Submarine Garden Beach Resort sa Lobo, Batangas.

Abangan ang iba pang laugh trip at kilig moments sa pagpapatuloy ng romantic comedy series na ito mula sa ABS-CBN Entertainment, na unang naghatid ng liwanag at ligaya sa iWantTFC noong Enero. Panoorin ang “Hoy, Love You” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC tuwing Sabado ng 9:30 pm. Para sa ibang ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending