Hindi na prank: Nikko Natividad, Cielo Eusebio ikinasal na sa Nasugbu, Batangas | Bandera

Hindi na prank: Nikko Natividad, Cielo Eusebio ikinasal na sa Nasugbu, Batangas

Ervin Santiago |November 01,2021
facebook
share this

Hindi na prank: Nikko Natividad, Cielo Eusebio ikinasal na sa Nasugbu, Batangas

Ervin Santiago - November 01, 2021 - 05:04 PM

Nikko Natividad at Cielo Eusebio

TOTOHANAN at hindi na prank ang naganap na kasal ng aktor at Hashtags member na si Nikko Natividad sa long-time partner niyang si Cielo Eusebio kahapon, Oct. 31.

Naganap ang wedding nina Nikko at Cielo sa Club Ananda sa Nasugbu, Batangas, base sa mga litrato at video na naka-post sa mga Instagram accounts ng kanilang mga bisita.

Bukod sa kani-kanilang pamilya, dinaluhan din ng mga taga-showbiz ang kasal ng dalawa kabilang na ang mga kapwa niya mga Hashtags na sina Ronnie Alonte, McCoy de Leon, Zeus Collins, Kid Yambao, Jimboy Martin at Tom Doromal.

Sa ilang litratong naglabasan sa social media, nasa kasal din ni Nikko sina Loisa Andalio, Barbie Imperial at Ate Girl Jackie Gonzaga. 

Makikita naman sa mga video na ibinahagi ng kanilang mga kaibigan ang “kissing scene” nina Nikko at Cielo bilang legal nang mag-asawa.

Kung matatandaan, ibinandera ng bagong kasal ang kanilang engagement nitong nagdaang August.

Sa pamamagitan ng isang vlog sa  kanilang YouTube channel, in-announce nila na malapit na silang ikasal. Sabi ni Nikko, “Walang halong prank. Totoo po ‘yon ‘yung mga pagtawag namin na ‘yun nga, we will get married.

“Sa mga hindi po nakakaalam, hindi pa po kasi talaga kami kasal. Pero siyempre nagli-live in na kami, may anak na kami. Sabi nga ni Aiden that’s the right thing to do,” sabi ng aktor.

“Oo, parang mag-asawa na rin talaga kami, may anak na kami. Pero iba pa rin ‘yun nga, ‘yung tama, may basbas, nasa batas. At siyempre ‘yon ‘yung sign na talagang kayo na talaga.

“Pero walang magbabago kasi nga bago pa niya maisip na pakasalan ako, ‘yung pagsasama namin ay parang mag-asawa na talaga. Siguro mas magiging strong ‘yung bond namin. Kasi iba kapag alam niyong kasal na kayo,” pahayag naman ni Cielo.

View this post on Instagram

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)


Pitong taon nang magkarelasyon sina Nikko at Cielo at sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa isang vlog nito, ibinahagi niya kung kailan niya na-realize na gusto na niyang pakasalan ang kanyang partner.

“Kasi seven years na kami, siya ‘yung laging nagsasabi na, ‘Pakasalan mo na ako, malaki na ‘yung bata.’ Lagi akong nagsasabi na, ‘Soon. Basta akong bahala.’ 

“Tapos kapag may pinupuntahan kaming kasal ng mga kaibigan, naiinggit siya. Kaya ayaw na ayaw kong uma-attend ng kasal kasi umiiyak siya, na, ‘Buti pa sila kinasal. Mura lang naman magpakasal kahit civil lang naman.’ Pero parang ‘di pa ako ready,” pag-amin ni Nikko.

“Tapos one time, bigla na lang, nagte-treadmill ako tapos kinausap ko siya. Wala na akong ano, ‘yung mga surprise? Wala. Ang galing. Nagte-treadmill lang ako Tito Ogie, tapos bigla ko na lang naisip na, gusto ko na magpakasal. 

“Tapos ‘yun, sinabi ko agad sa kanya, ‘Mahal, pakasal na tayo.’ Nagba-vacuum lang siya nu’n tapos iyak siya nang iyak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Totoo pala na aantayin mong maging ready ‘yung tao. Hindi mo pwedeng ipilit. Sabi ko naman sa kanya mahal ko siya, may anak tayo, ikaw pa rin naman asawa ko, wala pa nga lang sa papel, wala pa lang basbas, pero antayin mo akong maging ready. Naantay naman niya,” pahayag pa ni Hashtag Nikko.

Nikko pinagsisihan na nasaktan noon ang fiancé: Kung wala siya, wala ako sa kalagayan ko ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending