Direk ‘Darryl Daks’ sobrang taba ng utak; binansagang kingmaker sa online world
HINDI maikakailang napakalaki ng nagawang partisipasyon ng iba’t ibang uri ng social media platforms sa nakaraang national elections, lalo na sa pagkapanalo ng mga celebrity candidates.
Habang nagsasabong ang mga kandidato sa loob ng 90 days ng campaign period, may nangyari ring “social media war” sa pagitan ng magkakalabang partido.
Sa Facebook, Twitter, Instagram, YouTube at Tiktok, umusbong ang tinatawag na “meme wars” at “hashtag wars”, idagdag pa ang bardagulan ng mga nag-aaway-away na supporters ng mga kandidato.
Bumandera noong campaign period ang mga hashtag na #KulayRosasAngBukas para sa tandem nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan at #PulaAngKulayngRosas naman para sa Uniteam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.
Kung may #LetLeniLead, meron ding #LetLeniLeave at kung havey na #KayLeniTayo, meron ding #KayLeniTalo.
View this post on Instagram
Pero sa lahat ng bumanderang meme wars sa socmed, may isa talaga ang umangat at gumawa ng ingay. Yan ay ang kontrobersyal na LenLen series ni Darryl Yap at ng kanyang Vincentiments Productions na nakakuha ng 80 million combined Facebook at YouTube views.
Talaga namang namayagpag at nagpayanig sa internet world ang pasabog na “Lenlen” series ni Direk Darryl noong nagdaang campaign season. Maraming nam-bash sa kilalang Vivamax ditector pero may mga nagtanggol at humanga rin sa kanyang tapang na gumawa ng mga mapanirang political ads.
At in fairness, walang keber at walang paki ang direktor kung itanghal man siyang “most hated person” ng mga Kakampinks.
May nagsabi pa nga na kung si Toni Gonzaga at Andrew E ang king and queen of grand rallies, si Darryl Yap naman ang kingmaker sa online world.
Kung iko-compile nga raw ang lahat ng personal posts ni Direk Darryl, kering-keri na niya itong gawing libro. Sa katunayan, may nag-suggest pa na ang dapat daw maging title nito ay “Direk Daks: Mataba ang Utak.” Tinawag siyang Darryl Daks dahil nga sa napakalaki at napakalawak ng kanyang imahinasyon.
May nakapagsabi rin sa amin kung magkano ang rate ni Direk per video content at per contract na diretsong si Boss Vic ang nagde-decide at talagang namang shookt na shookt kami sa presyuhan!
Pero sabi nga nila, it’s worth the price naman dahil nga super effective ng kanyang mga contents dahil talagang pinag-uusapan ito at pinagtatalunan na siya talagang objective ni Direk Darryl.
Ilang araw na lang at maipoproklama na rin sina Bongbong Marcos at Sara Duterte bilang bagong halal na pangulo at ikalawang pangulo ng bansa pati na rin ang mga senador na nakapasok sa magic 12.
Kaya hintayin na lang natin kung tama ba ang naging desisyon ng taumbayan sa mga pangalang binilugan nila sa kanilang mga balota.
https://bandera.inquirer.net/313247/darryl-yap-may-patutsada-kay-leni-robredo-talo-na-po-kayo
https://bandera.inquirer.net/311821/juliana-parizcova-umalma-sa-blind-item-ni-vice-tungkol-sa-naghihirap-na-troll-never-akong-nanghingi-sa-kanya-ng-pera
https://bandera.inquirer.net/303589/joshua-garcia-super-daks-daw-ani-ogie-hindi-siya-conscious-proud-siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.