Vivamax sexy actor Massimo Scofield walang hiya-hiya sa paghuhubo't hubad; Ayanna Misola, Janelle Tee tinuhog Bandera

Vivamax sexy actor Massimo Scofield walang hiya-hiya sa paghuhubo’t hubad; Ayanna Misola, Janelle Tee tinuhog

Ervin Santiago |May 14,2022
share this

Vivamax sexy actor Massimo Scofield walang hiya-hiya sa paghuhubo’t hubad; Ayanna Misola, Janelle Tee tinuhog

Ervin Santiago May 14, 2022 - 08:15 AM

Janelle Tee, Massimo Scofield at Ayanna Misola

KUNG mabibigyan pa ng magagandang projects in the future, hindi na kami magtataka kung makilala rin bilang magaling na artista ang hubaderong Vivamax actor na si Massimo Scofield.

Isa si Massimo sa mga resident sexy male star ng Viva Entertainment na wala ring takot maghubo’t hubad sa mga ginagawa niyang pelikula.

Nagmarka ang binata sa mga Vivamax subscribers dahil sa mga daring scenes niya sa “Silip sa Apoy” kasama si Jela Cuenca, “Island of Desire” with Sheree, “Siklo”, “Hugas”, at sa digital series na “L” at “Iskandalo”.

Ang latest project nga niya sa Vivamax ay ang sex-drama na “Putahe” kung saan pareho niyang naka-love scene ang mga palaban din sa hubaran at pakikipagchurvahan na si Ayanna Misola at ang dating beauty queen na si Janelle Tee.

Bakit nga ba wala siyang hiya-hiya sa paghuhubad sa harap ng camera? “Alam ko namang trabaho lang ang ginagawa ko. Saka, sinusunod ko lang kung anong sabihin ng director.

“Malaki kasi ang tiwala ko sa mga direktor ko since baguhan lang ako. E, ako, hindi ako nagpa-plaster so, handa ako sa anumang magiging resulta noon. Tanggap ko kung anong sasabihin ng ibang tao,” paliwanag ng binata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ayanna 🦋 (@ayannamisola)


Sa pelikulang “Putahe” na idinirek ng tinaguriang cult director na si Roman Perez, Jr. na napapanood na ngayon sa Vivamax, lead role na ang ginagampanan ni Massimo at in fairness, nabigyan naman niya ng hustisya ang kanyang karakter.

Napanood na namin ang movie sa ginanap na special screening nitong Miyerkules at in fairness, hindi naman kami binigo ni Direk Roman sa bago niyang obra.

At siyempre, hindi rin nagpatalbog si Massimo pagdating sa pagpapakita ng kanyang hubad na katawan sa movie kung saan pareho niyang “natikman” ang putahe nina Ayanna at Janelle.

Ayon kay Massimo, hinding-hindi niya makakalimutan ang napakasarap na karanasan niya bilang leading man nina Janelle at Ayanna.

“Sobrang saya po kasi pinagkatiwalaan nila ako sa project na ito. Lahat ng kasama ko, mula kay Direk Roman hanggang sa co-stars ko at sa production, parang inaalalayan nila ako kasi alam nilang baguhan ako.

“Parang reunion namin ito ni Direk Roman kasi siya ang first director ko sa ‘House Tour’ ng Vivamax. Ngayon, binigyan niya ako ng ganitong opportunity with a lead role so sobrang pasasalamat ko po talaga sa kanya,” aniya.

Sabi naman ni Massimo tungkol kina Janelle at Ayanna na sandamakmak din ang sex scenes sa movie, “Very supportive sila. Bale second time naming magkasama ni Ayanna kasi una kaming nagkatrabaho sa series na ‘Iskandalo’, which is also directed by Direk Roman.

“Pareho sila ni Janelle na mabait at magaling. Feeling safe kami sa isa’t isa, so wala kaming dapat ikatakot kahit sa mga delikadong eksena. Alam nilang iniingatan ko sila,” aniya pa.

Sa tanong naman kung naaapektuhan ba siya sa tuwing nakikipag-love scene sa pelikula, “No, hindi po. Kasi mahihiya ako sa kapareha ko kapag na-arouse ako. Respeto na lang sa kanya.

“Masisira yung eksena, e. So iniisip ko na lang na hindi ako yun, I’m just playing a character. Trabaho lang ang lahat,” sagot ng aktor.

Sa mga interesado naman sa personal na buhay ni Massimo, wala raw siyang dyowa ngayon dahil mas gusto muna niyang karirin ang kanyang pag-aartista.

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

Vince Rillon pagod na pagod sa sex scenes nila ni Ayanna Misola sa erotic series na ‘L’: 2 oras kinunan yun!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending