Sagutan nina Andrea, Kitty sa Twitter fake news Bandera

Sagutan nina Andrea, Kitty sa Twitter fake news

Therese Arceo |May 12,2022
share this

Sagutan nina Andrea, Kitty sa Twitter fake news

Therese Arceo May 12, 2022 - 02:28 PM

Sagutan nina Andrea, Kitty sa Twitter fake news

NAG-TRENDING ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes matapos kumalat ang screenshot ng tila sagutan nila ng anak ng kasalukuyang presidente ng bansa na si Kitty Duterte sa Twitter.

Base sa kumakalat na screenshot ay nagtalo ang dahil marami sa mga netizens ang tila ipinagkukumpara sa kanila.

“Wag n’yo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences,” saad ni Andrea base sa screenshot.

Sagot naman ni Kitty, “True may bold ka, ako wala.”

Marami sa mga netizens ang nag-share ng naturang screenshots sa kanilang social media accounts na tila naaaliw sa sagutan ng dalawa.

Ngunit kung susuriing mabuti ay hindi ito totoo dahil hindi naman verified ang Twitter account ng Kapamilya star na si Andrea.

Bukod rito, wala rin namang official Twitter account ang anak ng kasalukuyang presidente.

Nang silipin rin namin ang account ni Andrea ay wala rin kaming nakitang tweet nito na patungkol kay Kitty.

Agad namang ipinagtanggol ng mga tao ang dalaga hinggil sa fake news na kumakalat sa social media.

“To those people who wasn’t aware, kitty duterte has no twitter account and this is clearly edited andrea B twitter acc isn’t verified yet. Stop spreading.

If this is just for fun, like what other sayin’. No, this is not funny y’all disgusting,” saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Andrea Brillantes is not yet verified here in twitter and Kitty Duterte doesn’t have a twitter account. I’ve been seeing this photo spreading through social media platforms. I’m not her fan though. Please stop bashing her about the scandal thingy.”

Marami ang kasalukuyang umaatake sa dalaga dahil na rin sa pagpapakita niya ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Ngunit sa kabila nito ay nanatiling matatag ang dalaga.

Base sa kanyang tweet kahapon, kahit anong ibatong isyu sa kanya ay hindi niya pagsisisihan ang pagtindig niya.

 

“Anumang ipukol sa akin, kailanman ay di ko pagsisisihan na ako’y nanindigan. Para ito sa lahat. Para ito sa bayan. Sa huli, isang Pilipinas lang ang ating pinaglalaban.”

Related Chika:
Hamon ni Andrea Brillantes kay Ricci Rivero: Iboto mo si Leni kung hindi…

Seth Fedelin nangako kay Andrea Brillantes: SethDrea is forever, let’s conquer the world! I miss you…

Andrea Brillantes, Ricci Rivero spotted sa BGC, tanong ng mga ‘Marites’: Magdyowa na ba?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending