LJ Reyes sa mga kapwa ina: Paano nga ba maging isang magulang? | Bandera

LJ Reyes sa mga kapwa ina: Paano nga ba maging isang magulang?

Therese Arceo |May 10,2022
facebook
share this

LJ Reyes sa mga kapwa ina: Paano nga ba maging isang magulang?

Therese Arceo - May 10, 2022 - 03:24 PM

LJ Reyes sa mga kapwa ina: Paano nga ba maging isang magulang?

PINARANGALAN ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang mga katulad niyang ina ng tahanan nitong Linggo, Mayo 8, bilang parte ng kanyang paggunita ngayong Mother’s Day.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang journey sa pagiging isang ganap na magulang.

“Paano nga ba maging isang magulang? Paano nga ba magdesisyon para sa buhay ng iba?” panimula ni LJ.

Aniya, sa kabila ng pagdala niya sa kanyang sinapupunan ng anak hanggang sa paglaki nito hanggang makaya na nitong tumayo sa sariling paa ay hindi tumitigil ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

“Carried them inside your body for 9 months, will be taking care of them til they can stand on their own, but you never really stop ‘taking care’ of them. And in the very long time that you have to make decisions on their behalf, paano nga ba piliin ang tama? Wala naman handbook for parents. Wala naman iisang tamang paraan kung paano maging magulang. There could be a lot of things that is uncertain and not ideal, but one thing remains certain and true— that LOVE would hold you altogether,” saad ni LJ.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

 

Dagdag pa niya, kahit na sobrang dami ng mga pinagdaraanan sa buhay, ang importante ay nararamdaman nf kanyang mga anak ang pagmamahal niya sa mga ito.

“Narealize ko sobrang daming ups and downs ng buhay. Pero ang importante maramdaman nila na mahal ko sila in every sense of the word. Like how I would always tell them, home is where we are together. At sila lang ang kelangan ko to keep me going,” pagpapatuloy ni LJ.

“We love because God loved us first. And I experience God’s love through them. Kaya naman naguumapaw yung pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanila. Hindi ako perfect, pero ang alam ko lang mahal na mahal ko sila— buong buo, siksik na siksik, umaapaw.”

Kalakip naman ng kanyang post ang mga larawan nilang mag-iina kasama sina Aki, anak niya kay Paulo Avelino at Summer, anak naman niya kay Paolo Contis.

Makikita rin ang screenshot ng mensahe sa kanya ng “Happy Mother’s Day” ng panganay na anak na si Aki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang recently ay muli nitong nakapiling ang amang si Paulo Avelino nang dalawin siya ng aktor matapos ang naging concert nito kasama si Ogie Alcasid at ka-loveteam na si Janine Gutierrez.

Related Chika:
LJ Reyes: Hindi ko inakalang masasaktan ako at ang mga bata nang ganu’n…

Balikang LJ Reyes-Paulo Avelino posible pa kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending